Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan - Tinanggap kamakailan ng 30 punong barangay dito sa isang pagtitipon na pinangunahan ni Mayor Bona Fe D. Parayno ang mga bahagi nila sa real property tax (RPT).
Ang hatian ng buwis
galing sa RPT ay ang mga sumusunod:
(1) Province -
Thirty-five percent (35%) shall accrue to the general fund;
(2) Municipality -
Forty percent (40%) to the general fund of the municipality where the property
is located; and
(3) Barangay -
Twenty-five percent (25%) shall accrue to the barangay where the property is
located.
Ayon sa batas ang
bahagi ng barangay ay ibinibigay na wala ng mga pangangailangan kada quarter ng
taon. Ito ay dapat isumite sa loob ng limang (5) araw bago matapos ang quarter at
hindi pwedeng ipatigil ninuman sa pamamagitanng ng lien o holdback o ano man.
Ang Barangay
Poblacion dito ang may pinakamataas na bahagi na P300, 000 habang ang Barangay
Alitaya ang ikalawa sa halagang P32, 298.79. Ang nakulekta ng first class na
bayan na ito sa bahagi niya sa RPT para sa mga barangay ay P1.7 million.
Ang may
pinakamaraming compliant taxpayers sa pagbayad ng buwis ng kanilang mga
ari-arian ay ang mga barangay na may pinakamalaking bahagi sa RPT.
Pangaral ni Mayor Parayno
sa mga barangay chairmen na hikayatin nila ang kanilang mga nasasakupan na
magbayad ng kanilang mga buwis sa takdang araw para maiwasan ang kakulangan ng
barangay sa pananalapi.
“The more taxpayers we have, the higher the
revenues, which means more funds for your barangay’s projects and services,”
diin ng alkalde. (With news from Mangaldan PIO)
No comments:
Post a Comment