Wednesday, January 15, 2025

Pinasinungalingan ng 2 Katao ang Banat ni Rammy kay Maan

 Ni Mortz C. Ortigoza

URDANETA, Pangasinan – Pinasinungalingan ng organizer ng medical mission at barangay chairman ng Labit Proper ang akusasyon ng suspendidong alkalde dito na nanigaw si Maan Guico sa doktora ng City Health Office (CHO) matapos pagsabihan ng una ang huli na walang bahid ng pulitika dapat ang kaganapan sa barangay.

Sinabi ni Mayor Rammy Parayno sa kanyang Facebook Page noong Lunes na “Nang biglang may isang kandidata na dumating, pumunta sa taas ng stage nagwawala at nagagalit. Pinatawag niya ang isang doctor natin at pinagalitan. Sa kadahilanang nanghimasok daw ang CHO at napahiya raw ang mga organizers ng nasabing mission. Pinatawag ang mga organizers at napatunayan naman na hindi totoo ang kaniyang sinasabi dahil masayang-masaya sila sa ipinaabot nating mga empleyado para tumulong sa mission…”

FUROR AT LABIT. Urdaneta City suspended Mayor Julio “Rammy” Parayno III (left photo and clockwise), mayoralty candidate Maan Guico, San Diego Medical Mission Organizer Merly Cuthill, and Labit Proper Kapitan Policarpio Galvan.

Ang akusasyon ni Parayno ay mariing pinabulaanan ni Merly Cuthill, organizer ng San Diego, USA Medical Mission na kung saan may dala itong 80 na mga medical doctors, nurses at mga personnel na kayang magsilbi sa isang libong katao sa Labit National High School dito.

“Nasaktan po ako. These words were twisted, I was there myself infront of the San Diego (group) and infront of Maam Maan. Alam ko lahat iyon ay hindi totoo,” ani Cuthill sa video na pinalabas sa Facebook Page na Urdaneta ang Galing.

Si Guico – maybahay ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III – ay panandaliang dumaan sa medical mission para ibigay kay Cuthill ang special wheelchair na hinihingi ng isang pasyente na may celebral palsy.

Pinabulaan din ni Labit Proper Kapitan Policarpio Galvan sa nasabing Facebook Page na hindi sumisigaw si Mrs. Guico habang kausap niya ng mahinahon ang doctor ng CHO.

“…(T) apos sasabihin nila nagagalit at nagisisgaw pa si Madam (Maan). Wala po! Hindi totoo iyan, hindi totoo iyan! Kahit magtanong kayo dito sa Labit kahit sino ay magsasabi sa inyo”.

Kung totoo ang paratang ni suspended mayor Parayno sa katungali niya sa pagka alkalde dito sa Mayo 12, 2025 election dapat magpakita siya ng video recording na kuha ng mga tao doon na may mga mobile phone kung hindi ay mabatikos na naman siyang nagsisinungaling ng mga netizens gaya noong itanggi niyang sinampal niya si Jairus Bien F. Sibayan, 28, single, cameraman ng provincial government’s information office. Ang pangyayaring ito ay noong isinumite sa kanya noong Agosto 12, 2024 ang kanyang tatlong buwang preventive suspension ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa paglabag niya sa Anti-Red Tape (ARTA) matapos magreklamo ang may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. dito.

Dahil sa pangyayaring ito nakasuhan ng Slight Physical Injury, Robbery with Violation Against or Intimidation of Person, at Slander by Deed sa Ombudsman noong Setyembre si Mayor.

Noong Enero 7 sinuspinde ng Office of the President (O.P) sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government ng 12 buwan si Parayno at bise alkalde Jimmy Parayno dahil sa reklamo ni Liga ng mga Barangay (LNB) President at San Vicente Punong Barangay Michael Brian M. Perez ng Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority.

Ani Maan Guico sa nasabing Facebook Page na humingi siya ng pag unawa kay Merly dahil “you make hearts and souls to this project. Eighteen months niyang pinag-isipan, 18 months niyang tinatrabaho ang medical mission na iyan. Para ang feeling niya na balewala po siya”.

Malungkot na sinabi ni Cuthill – sponsor at financier sa medical mission -- na na ‘embarrased” siya sa ginawa ng taga CHO na pumunta doon na parang kung sino sila.

They tried to took (sic) over the desks that San Diego (group) could provide for all their nurses other registration (of) people they took over. They asked the San Diego people to move. One of the doctors from San Diego was so upset because they were hurt to move. They try to remove everybody, the team for the San Diego people”.

Sabi ni Guico na kinausap niya ng mahinahon ang doktora na pinuno na pinadala ng CHO na nasaktan ang mga organizer dahil nabalewala sila sa okasyon.

Doktora, sabi ko po sa kanila, kakilala niyo po ang organizer? Kasi po napasukan sila. Sana next time kausapin ninyo po sila ng maayos. Ako po kahit nga sinisigawan po ako hindi po tumataas ang boses ko Apo. Kinakausap ko siya ng mahinahon. Nagtitimpi po ako, nirerespeto ko po siya. Sana respituhin din po sana niya ang organizer”.

Ani Cuthill nagalit siya dahil dapat “apolitical” ang medical mission pero noong dumating ang grupo ni Parayno “Saka iyong mga tarpaulin nilang ginawa e kinakalat kahit saan kaya upset talaga ako yesterday. Hindi ko ma explain because that’s my personal project”.

No comments:

Post a Comment