Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – Talo ng Mangaldan ang Malasiqui kung
pagbabatayan ang annual budget ngayong taong
2025 at per capita (PC).
Ang budget ng bayang ito sa 2025 ay P501, 334, 234.00 habang ang Malasiqui ay may P542, 600, 608.89 sa nasabi ring taon.
Ang bayan na ito ay may populasyon na 113, 185 (2020 census)
habang ang Malasiqui ay merong 143, 094 (2020 census).
Malaki ng 29, 909 ang populasyon ng Malasiqui sa Mangaldan
pero kung kukunin natin ang per capita kontra sa budget nila lalabas
na mas malaki ang bahagi ng bawat isang miyembro ng bayan na ito kumpara sa
Malasiqui.
Ang Malasiqui ay tinuturing na
pinakamalaking bayan sa Pangasinan o Region-1 batay sa dami ng tao niya.
Ang PC ng Mangaldan ay P4, 430 habang ang Malasiqui ay
merong P3,792.
Mayaman ng P638 kada tao ang Mangaldan sa Malasiqui sa
serbisyong maibibigay sa pamamagitan ng 2025 annual budget niya.
No comments:
Post a Comment