Tuesday, December 31, 2024

Mga Dorobong Doktors ng RHU Sinabon ni Guv

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Napamura si Pangasinan Governor Ramon "Monmon" V. Guico III sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng Provincial Health Board (PHB) habang inilabas niya ang galit sa masamang asal ng mga hepe ng mga rural health units (RHUs) ng higanteng lalawigan.

Isa sa ikinagalit ng gobernador ay ang kagustuhan nitong mga matatakaw na mga doktors na dapat kalahati ng salapi na bahagi ng munisipyo galing sa Kunsulta ng Philippines Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay mapunta sa bulsa nila.

PHOTOS are internet grabbed.

Isinalaysay niya ito sa Christmas Party ng mga reporters na ginanap sa lawn ng Capitol Resort Hotel na pag- aari ng provincial government.

Aniya ang dapat tatangapin ng isang munisipyo ay biente porsyento (20%) sa P2,100 sa Kunsulta sa susunod na taon kung saan may puntirya si Guico na two milyon na Pangasinenses ang mabiyayaan sa P4.1 bilyon gross na ibabayad ng PhilHealth sa Kapitolyo.

“Why? I just vented out, you know, my feelings. I guess it’s brewing inside me since that meeting. I was just calm and quite but I think realizing that in the context of the PhilHealth not being given the fund it service coming from what is legally theirs,” aniya.

Ang otsenta porsyento (80%) na bahagi ng provincial government sa P4.1 bilyon para sa dalawang milyon na Pangasinenses na mga benepisyaryo ay gagamitin sa pagbili ng mga gamit medikal, pagpakukumpuni ng mga sasakyan gaya ng ambulansya ng 14 provincial owned hospitals, pag upa ng mga manggagawa gaya ng mga doctor at health workers, pagpapatayo ng mga specialty at Apex hospitals dahil wala pang 10, 000 kama ang mga ospital ng lalawigan para gamutin ang mga pasyente na manggagaling sa tatlong milyong populasyon ng Pangasinan.

Ang apex hospital, ayon sa Philhealth, ay “as an end-referral hospital offering specialized services and is contracted as a stand-alone facility by the Philippine Health Insurance Corporation”.

“So iyan ang nangyari. So nikumputan ko sila. Ito pupunta sa inyo P4 million, ibig sabihin iyang P2 million sa iyo lang doctor? Grabe naman ano ang sasabihin ng mga BHW (barangay health workers) 250, 000 minimum ma espend sa buong population mga BHW sa buong bayan. Ano ang sasabihin nila sa inyo?”

Noong nagtanong siya sa Commission on Audit sinabi sa kanya na hanggang biente porsiyento (20%) lang ang pwedeng maidagdag sa basic pay ng isang hepe.

“I didn’t like the attitude I was just like quite. I did not like the attitude of some and not everybody and they were petitioning and writing the PhilHealth directly without even informing me as Chairman of the Provincial Health Board na sana iyong share mapunta sa kanila. Kasi we are always for that, ngayon ko lang nilabas ito ayaw ko sanang ilabas but I think binibira (ako) sa outfit nila”.

Ani Governor Guico na nagpapakalat pa ng mga disinformation at nagbabanta pa itong mga RHU chiefs sa mga nasasakupan nila na pagsumali sila sa GuicoKonsulta -- kung saan nagbibigay ang Kapitolyo ng P200 na pamasahe sa mga maralita -- at sa programa ng PhilHealth na ito na hindi na sila makakalapit para humingi ng medikal na tulong sa RHU.

“Pag diyan kayo magpa-register wala na kayong gamot sa RHU. Matatakot iyong mga poor constituents natin, di ba? So iyan iyon”.

Dahil diyan napasambit ang gobernador ng "f____ y__" sa galit niya sa pagtitipon ng PHB sa mga wala doong mahigit kumulang biente na mga doctors.

“Itong magandang programa natin sabi ko ang pipipigil iyang iilan sa inyo, ito’y para sa inyo: “f____ y__!” sabi ko. Kasi at the expense of all of us Pangasinenses tapos iilan lang sila, di ba?” paliwanag ng gobernador sa mga reporters.

No comments:

Post a Comment