Friday, December 20, 2024

“We Already Set Horizons Regarding sa mga Plano po Natin Dito’ -- Caramat

 

 Q & A. Nagbigay ng panayam si Calasiao lone mayoralty bet Patrick A. Caramat sa kay Northern Watch Newspaper Editor-in-Chief Mortz C. Ortigoza noong maghain ang una ng kanyang certificate of candidacy (CoC) noong ika-8 ng Oktubre 2024. Pinag-usapan dito sa Q & A (Question and Answer) ang reaksyon niya na wala siyang makakalaban sa pagiging alkalde ng first class town, paano niya nahikayat ang mga malalaking pulitiko na naguumpugan sa bayan na magkaisa at suportahan siya, at ang mga plano niya sa munisipyo sa ilalim ng kanyang pamumuno. Mga sipi:

LONE MAYORALTY candidate Patrick A. Caramat (left) after the series of the Q & A with Northern Watch Newspaper Editor Mortz C. Ortigoza. Caramat is the incumbent   Liga ng mga Barangay Federation President of the burgeoning Calasiao town. He is no stranger in running a town because he was the town administrator – dubbed as Little Mayor – for more than six months when his mother the late Mayor Mamilyn “Maya” Agustin-Caramat was the mayor of the 24- village’s landlocked town.


QUESTION: I heard wala kayong makakalaban sa Mayo 12, 2025 mayoralty eleksyon?

ANSWER: I am very grateful. Kung may lalaban rin po sa akin ay masaya rin dahil makapili po ang majority ng town’s people of Calasiao.

Q: Ano ang sikreto ninyo paano ninyo nahikayat ang mga higanteng pulitiko dito sa Calasiao na sumama sa inyo at huwag ng magbangaan?

A: Well, it is not my sole secret. Siguro naging ano lang po nag ricochet lang or kung baga ito ang epekto noong pamumuno ng aking ina the late Mayor Mamilyn “Maya” Agustin-Caramat when she wanted to be remembered as a unifying leader. So as her son, gusto ko po ituloy para makapag unite lahat po ng leaders and eventually siyempre sa akin naman po alam ko po mas maraming beteranong pulitiko kaysa po sa akin sa bayan ng Calasiao. Pero isa lang naman po ang sigaw namin which is progreso. Sa akin naman sinasabi ko po lagi ko po ipinagyayabang na kung bakit malakas po ang aking loob na tumakbo bilang mayor dito sa bayan ng Calasiao is that wala naman po kaming nasaktan or kaaway po dito sa bayan ng Calasiao.

Q: Bakit si Mayor Kevin Macanlalay ang napili ninyong vice mayoralty tandem ninyo?

A: Dahil okay po siyang kausap and nakita ko po ang nagawa niya sa bayan na naka align naman po sa mithiin po ng ating butihing Mayor Mamilyn “Maya” Agustin-Caramat. We already set horizons -regarding sa mga plano po natin dito. Ang kailangan na lang po is to execute lahat po ng plans. E siyempre gusto ko muna kayong bitinin huwag po natin sabihin lahat lahat. We always have sets horizons. Hindi naman po na uupo diyan na saka na lang po tayo gagalaw. Meron na tayong plano na mailatag para sa bayan ng Calasiao.

Q: Isa sa pinakamayaman sa 44 bayan sa Pangasinan si Calasiao. Nakikinita ba ninyo na sa termino ninyo magiging siyudad ang Calasiao?

A: Hopefully! Pero hindi naman po natin masabi iyan in the near future. Hopefully, alam naman po natin pag naging city po ang bayan ng Calasiao mas mauunlad mas mapapalakas po natin ang social services. Kung baga iba ang city sa isang munisipyo, however, ay naka focus po tayo sa pag deliver ng serbisyo publiko sa ating mga constituents. So with regards to our municipality andami pong problema na dapat solusyonan. Sabi ko po sa aking mga kasama (ang mga napili ko pong Councilors ang ating incumbent mayor which is napili ko pong vice mayor) marami po tayong problemang dapat pagtugunan huwag po nating  pagdalamhatian bagkus ito po ang ating solusyunan. No. 1 po diyan ang waste management; pangalawa, ang traffic management; and of course ang pangatlo ay ang financial management po --- fiscal management po ng ating bayan.


No comments:

Post a Comment