Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – Binira ng
babaeng alkalde dito ang mga kritikong bumabanat sa kanya kahit wala silang mga
basehan.
Matapang na hinamon ni Mayor Bona Fe D. Parayno ang mga detraktors niya na nagtatago sa mga pekeng account sa social media kung meron siyang pinapanatiling mga ghost employees at wala nang mga gamot sa rural health unit (RHU).
“Sabi
nila may mga ghost employee so bakit hindi nila bisitahin ang Human Resource
Management Office na may records doon. Pumunta sila doon kaysa maniwala sa mga
naririnig nila,” mariin niyang binanggit.
Marubdob din niyang
pinasisinungalingan ang mga kritiko na nagpapakalat na wala na daw mga gamot sa
RHU para sa mga dahop dito.
“Tanungin
ninyo ang mga doctors (doon sa RHU) dahil may mga records doon,” sambit ni
mayora.
Dagdag pa niya na mahigit P12
million ang mga biniling gamot, bitamina, laboratory supplies, at mga
kagamitang medikal para sa RHU ngayong 2024.
Noong State of the Municipal
Address (SOMA) niya noong Nobyembre 30, 2024 sa Municipal Public Auditorium
alinsabay sa pagdiriwang ng kanyang ika-65 na kaarawan, pinasalamatan muli ni
Mayor Parayno ang mga botanteng nagluklok sa kanya noong May 9, 2022 eleksyon
matapos makuha niya ang 28, 466 na mga boto laban sa dalawa niyang katungali na
nakakuha lamang ng 18, 276 at 11, 948 bawat isa.
Sentro ng kanyang talumpati sa SOMA
ay ang kalagayan ng primerong klaseng bayan at isa sa pinaka progresibo sa
Pangasinan sa mga naisulong na niyang programa at proyekto sa loob ng isang
taon at ang mga nakinbinbin at gagawin pa niyang mga plano sa susunod na taon.
Napipintong maglalaban si Parayno
at Vice Mayor Mark Stephen Mejia at dating alkalde Marilyn Lambino para sa
pagka alkalde dito sa Mayo 12, 2025 eleksyon.
No comments:
Post a Comment