Thursday, December 5, 2024

Taob ang 15 Taon ng mga Espino kay Guico

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Tinaob ng mahigit dalawang taong panunungkulan ng Guico Administration ang 15 taong serbisyo ng dalawang Espino kung pag-uusapan ang health care service.


Ayon sa graph na inilabas ng isang Facebook Page na may pamagat PaPogi versus Super Mon, nalunod sa galing ang pamunuan ni dating gobernador Amado Espino, Jr at ng kanyang anak at kapangalang si dating Gob. Pogi kung saan meron lang silang nabili na ultrasound machines (5), X-Ray Machines (11), CT Scan (0), at MRI Scanner (0) sa 14 ospital na pag-aari ng lalawigang pamahalaan. Sa ilalim ni Governor Ramon “Monmon” Guico III ay merong ultrasound machines (22), X-Ray Machines (19), CT Scan (6), at MRI Scanner (1).

“In my more than two years as governor in my first term, we were able to have more than 400 something employees for our hospitals. Mga doctors, nurse, medtech, pharmacist at mga support admin staff. Nakabili po tayo ng mga equipment diagnostic equipment,” mga binitawang salita ni Guico taliwas sa patutsada ng matandang Espino noong press conference sa Riverside Resort and Restaurant sa Bugallon, Pangasinan na dalawa na lang ang dialysis machine na ginagamit sa kasalukuyan kumpara sa labing apat na binili nila noong namamayagpag pa sila sa kapangyarihan.

“Nagtayo ipinatayo dito ng dialysis center pinangalanan natin kay Mayor Julian Resuello (sa) San Carlos City na balita ko dadalawa na lang ang dialysis machine na tumakbo, labing apat iyan,” sambit ng amang Espino sa mga tagasuporta noong ipinahayag ang pagtakbo muli kontra kay Guico ni Pogi sa 2025 eleksyon.

Pinasisinungalingan ni Guico na noong panahon nila Espino ay mas naalagaan ang mga mahihirap na pasyente dahil sa Point to Payment at No Balance Billing dahil sa insurance ng PhilHealth.

“Ibig sabihin noong balance statement wala silang babayaran sa mga ospital natin,” ani dating kongresman Espino, Sr.

Marubdob na kinontra itong ng batang Guico:

Hindi po! Ongoing ang improvement ng mga dialysis centers po natin. Iyong dialysis andami pong nagkakasakit most likely ng isang seat most likely isang tao lang ang nakikinabang hanggang dalawa kasi slot na iyon, nagaagawan po".


Sa mahigit dalawang taon ng bagong gobernador ay naipatayo na ng 50% ang Umingan Community Hospital, bumili pa ang Kapitolyo ng five-hectare property para sa isang government complex, mga bagong equipment, bumili ng two-hectare property para sa satellite facility para sa Eastern Pangasinan District, improvement ng mga ospital sa Bolinao, Dasol, Mangatarem, at Lingayen.

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan sa pamunuan ni Vice Governor Mark Ronald Lambino at nilagdaan ni Guico ang Pangasinan Unified Incentive for Medical Consultation kung saan bibigyan ng Kapitolyo ng pamasahe ang mga mahihirap na Pangasinense para lamang makapag pakonsulta para sa kanilang kalusugan sa mga ospital ng lalawigan.

“Parallel po itong programa natin sa PhilHealth E-Consulta. Magpa check up lang sila tapos meron po tayong local counterpart na assistance sa kanila. Kasi alam niyo po na andaming mga kababayan natin na takot na magpa-ospital, takot na magpa check up, primary reason wala po kasi pera. From the barrio we go to the RHU to to the provincial hospital at regional hospital –- wala kasing pamasahe. Pagdating kasi doon wala kasing pambili ng gamot, kasi wala kasing means na magpa-gamot,” paliwanag ng gobernador sa mga mamahayag sa Dagupan City.

Ani Guico itong programa ay mag “augment” sa target na dalawang milyong katao sa lalawigan magmula sa mga sanggol papuntang mga matatanda.

“Oo, kasi ang mangyayari diyan sa bawat individual for every member of the population ang ni enroll natin ni check up natin may bumabalik na binibigay sa provincial health board. Iyan ang mga usapan sa mga LGUs. This year is gonna be P1,700 by next year it’s gonna be P2,100 mga added programs na kailangan deserves sa ating mga constituents,” sagot niya sa tanong ng writer na ito noong Christmas tree lighting dito sa Kapitolyo noong Nobyembre 29.

Bukod sa dalawa na lang daw ang dialysis machine, inupakan din si Guico ng matandang Espino na mga sira na daw ang 14 ospital ng lalalwigan.

“Sirang sira ang labing apat na provincial hospital at mababaho at marumi din at nangangailangan ang mga pasyente sa hospital na iyan. Karamihan sa mga empleyado ay low moral”.

Pinabulaan naman ito ni Guico kung saan sinabi niya ang mga plano niya dito:

“Na improve po natin ang hospital. Nagkaroon lang po ng surge ng dengue kaya kinapos. But still that we try na we could fill up our pharmacy para magkaroon ng mga gamot doon ng sapat na mga doctors and matutuwa po kayo on how effective the collection system of the province may pondo po tayo e”.

Ang pondong sinasabi ng gobernador ay ang kuleksyon na mahigit kumulang na P250 million sa quarry operation ng mga negosyante ngayong taon. Noong huling taon ni Governor Pogi noong 2022, ang pangasiwaan ay kulelat na nakakulekta lamang ng P12 milyon.

“May mga resibo ang kuleksyon namin, ani Guico.

 Tanong ng writer na ito sa mga nagbabasa: Bakit kulang ba sa resibo ang mga pamahalaang Espino sa quarry kaya sobrang mababa ang kuleksyon nila?

 

No comments:

Post a Comment