Friday, December 20, 2024

Palpak ang SIM Card Law, Naglipana pa rin ang mga Trolls

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Noong magkita kami noong kakilala kong troll kalagitnaan ng taong ito, tinanong ko kung nakakapanira pa rin siya at mga kasamahan niya sa mga kalaban ng pulitikong umuupa sa kanila matapos isabatas ng pamahalaan ang SIM Registration Act.
“Paano iyan ‘di na basta-basta kayo makabili ng SIM (subscriber identification module) para gumawa ng mga pekeng account sa Facebook?” pag-usisa ko.
Aniya walang kabuluhan ang batas dahil nakakagawa pa rin sila sa pamamagitan ng mga email sa Google at Yahoo.
PHOTO is internet grabbed.

“Paano?” kako.
“Simple’ lang, pag nabuwisit na iyong administrator ng page na ginugulo namin gaya ng pagkantiyaw o pagsagot sa mga adbokasiya at propaganda nila at ni-block nila kami siyempre di na namin magamit iyong Facebook account namin kaya gagawa kami uli ng panibagong email at mag apply sa Facebook gamit ang mga pekeng pangalan namin,” sabi ng kebegan ko na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Ang Facebook ang pinakamalaking social media platform online sa buong mundo. Ang araw araw na gumagamit nito ay lumubo kada taon magmula nang maimbento ito sa dormitoryo sa Harvard University noong 2002 ni Mark Zuckerberg at mga ka roommates niyang sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, and Chris Hughes.
Ang bilang ngayong taong 2024 sa mga taong gumagamit ng Facebook sa Pilipinas ay 88.9 milyon habang ang India, United States, Indonesia, Vietnam, at Thailand ay merong 375 million, 194.1 million, 117.6 million, 74.55 million, 49.4 million, ayon sa pagkakabanggit.
Ang pagbalahura at pagsalahula sa SIM Registration Act (Republic Act No. 11934 o SIM Card Law) ng mga trolls ay nagpapakita lamang sa mababaw na pag- iisip ng mga miyembro ng Kongreso ng Pilipinas sa pagawa ng batas na may mga butas.
Bakit hindi nila nakita na kung gusto nilang iwasan ang mga hate speech, cybercriminal activities, online disinformation, at iba pa sa bansa dapat na remedyuhan kung paano pigilan ang pagdami ng troll sa mga emails at hindi lang sa mga SIM cards ng mga cellular phones.
Walang pinagkaiba itong palpak na SIM Card Law noong April 24, 2023 na isinulat ko sa blog ko sa nababoy na Republic Act 10930 kung saan nakasama ang pagkuha ng pagsusuri ng mga magre-renew ng mga driver’s license nila sa Land Transportation Office.
Ang titulo ng Act na isinabatas noong August 2, 2017 ay “An Act Rationalizing and Strengthening the Policy Regarding Driver’s License by Extending the Validity Period of Drivers’ Licenses, and Penalizing Acts in Violation of its Issuance and Application Amending for those Purposes Section 23 of Republic Act No. 4135)”.
Nabalahura itong pagsusuri ng LTO dahil kayang iwasan ng mga examinee ang proseso sa walk-in sa pamamagitan ng online examination kung saan magbabayad lang sila ng limang daang peso (P500) sa fixer na naglilipana sa paligid ng LTO offices sa buong bansa. Magaling sumagot ang mga fixers kaya isang setting lang ng pagsusuri ayos na kaagad ang renewal ng lisensya.
Kaya pag madami tayong nakikitang highway accident. Kasalanan ng mga kongresmen at senador natin ito dahil malabnaw ang pagkagawa nila ng batas.
Balik tayo sa SIM Card Law.
Kahit na may parusang pagkakulong from six (6) years and one (1) day hanggang eight ( 8 ) years, hindi pa rin mapipigilan ang mga trolls dahil kailangan sila ng mga kandidato ngayon para lalong magiging sikat sila sa mga botanteng nagbabasa ng social media at masira naman ang mga kalaban nila sa nalalapit na eleksyon.
Para silang si Paul Joseph Goebbels (29 October 1897 – 1 May 1945). Si Goebbels ay propaganda chief ng Tyrant at Butcher na si Adolf Hitler ng Nazi Germany na nagpasikat ng salitang: “If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it.
“If you hear a lie once, you don’t believe it,” ani trolling-services firm na malapit kay Rodrigo Duterte noong tumatakbo siyang pagka-presidente sa May 2016 eleksyon.
“But if you hear it from 10,000 people, you start questioning what you know,” dagdag ni Washington Post sa kanyang Hulyo 26, 2019 isyu Why Crafty Internet Trolls in the Philippines May be Coming to a Website Near You.

No comments:

Post a Comment