Pormal nang inilunsad ang Mural Art Installation sa Capitol Beachfront nitong December 2.
Ang Mural Art Installation, na tanda ng malalim na pagpapahalaga sa sining at kultura ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ay bahagi ng Paskuhan sa Kapitolyo 2024.
Ang paglulunsad ay pinangunahan ni First Lady at Paskuhan sa Kapitolyo 2024 Honorary Chairperson Maan Tuazon-Guico at Vice Governor at Committee on Education, Culture, and Arts Chairperson Mark Lambino.
Ang makulay na mural art na binuo ng mga mag-aaral mula sa Pangasinan Polytechnic College (PPC) ay gumamit ng Baybayin writing system para ipinta ang mga salitang "PANGASINAN ANG GALING." Layunin ng proyekto na ipamalas ang talento ng mga kabataang Pangasinense at palakasin ang kamalayan ng publiko sa sining at kultura ng lalawigan.
Ayon kay First Lady Maan Tuazon-Guico, ang proyektong ito ay nagsilbing katuparan ng kanilang layunin para sa kabataan
"This was our vision from the start– to tap the youth and give them this fire or passion for creativity especially gearing toward culture and art of Pangasinan," saad ng First Lady.
Inihayag naman ni Vice Governor Mark Lambino na mahalagang maitanim sa kabataan ang patriotismo sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan.
"As early as now, we would like to instill at least in you yung concept ng patriotism ninyo pagdating sa probinsya. Your participation in the activities of the provincial government, kahit na dito sa Christmas activities will form part of your character," aniya.
Kasama rin sa programa si Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Tourism Officer Maria Luisa Amor-Elduayan, PPC President Dr. Raymundo Rovillos, PPC Board Secretary Nicanor D. Germono Jr., PPC Faculty Members, at mga estudyante.(Danna Laureano, JP De Vera/PIMRO)
No comments:
Post a Comment