Friday, December 6, 2024

Mga Bagong 1st, 2nd, 3rd Class Towns sa P’sinan

 Ni Mortz C. Ortigoza

DAGUPAN CITY – Dalawanpu’t-apat (24) na mga bayan sa Pangasinan ang pina-angat sa reclassification ng Department of Finance (DoF) sa first, second, third, at fourth classes sa utos ni Secretary Ralp Recto dahil sa paglubo ng kanilang mga kita sa huling tatlong taon bago ang muling pag-uuri ngayong 2024.

CHIEF EXECUTIVES of newly reclassified towns in Pangasinan: (From top left and clockwise) Tayug Mayor Tyrone Agabas, Urbiztondo Mayor Modesto M. Operania, Basista Mayor Jolly “J.R” Resuello, and Bani Mayor Facundo O. Palafox, Jr.


Ang mga bagong first class municipalities ay ang Aguilar (galing sa 3rd class), Alcala (galing sa 3rd class), Asingan (galing sa 2nd class), Balungao (galing sa 4th class), Bani (galing sa 2nd class), Bugallon (galing sa 2nd), San Jacinto (galing sa 3rd class), Sison (galing sa 3rd class), Tayug (galing sa 3rd class), at Urbiztondo (galing sa 3rd class).

Ang mga bagong second class municipalities ay ang Agno (galing sa 3rd class), Anda (galing sa 3rd class), Dasol (galing sa 3rd class), Infanta (galing sa 3rd class), Laoac (galing sa 4th class), Mabini (galing sa 3rd class), San Quintin (galing sa 3rd class), at Sta. Maria (galing sa 4th class).

Ang mga bagong third class municipalities ay ang Basista (galing sa 4th class), Bautista (galing sa 4th class), Burgos (galing sa 4th class), Labrador (galing sa 4th class), at Natividad (galing sa 4th class).  

Ang nag-iisang bagong angat na 4th class town ay ang Santo Tomas na nanggaling sa pagiging 5th class.

Merong 44 bayan at 4 lungsod ang higanteng first class na lalawigang Pangasinan.

Ang Department Order No. 074, Series of 2024, ng DOF ay nilagdaan ni Secretary Recto noong ika-5 ng Nobyembre 2024 kung saan binalangkas niya ang income classifications of provinces, cities, at municipalities base sa average annual regular income sa huling three fiscal years bago ang general income reclassification ngayong taon.

Sa ilalim ng updated classification, ang mga munisipyo ay naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng kanilang mga kita:

* 1st class – P200 million or more

* 2nd class – P160 million to less than P200 million

* 3rd class – P130 million to less than P160 million

* 4th class – P90 million to less than P130 million

* 5th class – less than P90 million

Ang pag reclassify ng mga lalawigan, lungsod, at bayan ayon sa DoF ay nakabase sa regular sources nila gaya ng local na kita at National Tax Allotment (NTA) (dating Internal Revenue Allotment o IRA), bahagi sa national wealth gaya ng excise tax sa tobako, incremental na kuleksyon sa Value Added Tax (VAT), at gross income tax na bayad ng mga may ari ng mga negosyo sa Special Economic Zone.

Hindi kasali dito ang mga non-recurring, kita sa pagbenta ng mga asset ng local government unit, miscellaneous income/receipt. at iba pa.

NOTE: Sa mga gustong malaman ang basehan ng mga kita at listahan ng mga na reclassified na mga provinces, cities, at municipalities 2024, PLEASE CLICK HERE:

No comments:

Post a Comment