Thursday, November 28, 2024

Plunder, Iba pang Kaso Hindi Ikinabahala ni Rosario

 KASAMA SA MGA AKUSADO SINA MEJIA, MANUEL, VIADO

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

BINMALEY, Pangasinan – Ikinibit balikat lang ng bise alkalde dito ang mga kasong Pandarambong (Plunder), Prohibited Business and Pecuniary Interest, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Conflict of Interest, at Money Laundering na hinain ng tao ng alkalde dito sa kanya.

GOVERNMENT BRASS charged criminally like Plunder and Money Laundering by the close aide of Binmaley Mayor Pete Merrera: From top left and clockwise: Binmaley Vice Mayor Sam Rosario, Region-1 Medical Center Director Dr. Joseph Roland O. Mejia, National Irrigation Administration Division Manager  Eng. Gertrudes A. Viado, and Department of Public Works and Highway District Eng. Edita L. Manuel.

Kasama sa nakademanda ni Vice Mayor Simplicio "Sam" Rosario sina Dr. Joseph Roland O. Mejia, Medical Center Chief II, Region 1 Medical Center (R1MC), Arellano Street, Dagupan City; Engr. Edita L. Manuel, District Engineer, Department of Public Works and Highways, 2nd District Engineering Office, Alvear Street, Lingayen, Pangasinan; at Engr. Gertrudes A. Viado, Division Manager, National Irrigation Administration, Pangasinan Irrigation Management Office, Urdaneta City.

Ani Rosario na sinagot na niya ang counter-affidavit na utos ng Ombudsman noong Oktubre 17, 2024 sa mga kasong criminal na plunder na hinain sa kanya ni Leon Cruz Castro, Jr. ,62, – aide ni Mayor Pedro “Pete” Merrera noong Hulyo 29, 2024.

Bahagi ng Sworn Complaint Affidavit ni Castro ay nagsasabi: Respondent Rosario has entered into contracts with Region 1 Medical Center, DPWH-Pangasinan 2nd DEO, NIA-PIMO, and among others;”.

Ani Castro na kinasuhan niya si bise alkalde dahil sa mga katiwalian noong pagiging municipal mayor at vice mayor niya sa Binmaley.

Dagdag ni Rosario na hindi niya ikinababahala ang asunto dahil meron siyang batayan sa Government Procurement Reform Act na hindi nagbabawal sa isang elective official na makipagnegosyo gaya ng pangungontrata sa pagawa ng mga imprastraktura.

“Bahala na ang Ombudsman diyan. Pero sa nangyayari ay hopefully dahil doon sa probisyon ng procurement board na wala namang ganyang batas na hindi ka pwedeng mangontrata. So anyway bahala na kasi naka demanda iyan ayaw ko ng magsalita bahala na ang Ombudsman diyan,” paliwanag ni Rosario na matagal na naging alkalde dito sa coastal first class town.

Ani ng abugado ni Mayor Pedro Merrera na si Atty. Leonardo Nicolas-Valbuena na sa apat na nakasuhan naunang nag file ng counter affidavit si Dr. Mejia sa Order ng Ombudsman.

Sinabi ni Mejia, ayon kay Valbuena, sa counter affidavit niya na hindi siya dapat makasuhan dahil ministerial lang ang pagpirma niya sa kontrata ng Jojalie -- na pagmamayari ni Rosario – at ang pagkapanalo niya para makuha ang proyekto ay dumaan sa tamang bidding sa Bids and Award Committee (BAC) ng R1MC. Hindi rin siya pwedeng kasuhan dahil wala siyang relasyong fourth civil degree of consanguinity and affinity kay Rosario. Subalit diin ni Valbuena at ni Mayor Merrera sa writer na ito na may liabilidad pa rin ang director dahil sa Prohibitive Business and Pecuniary Interest nila sa isat-isa ayon sa Local Government Code. Ninong sa kasal ni Mejia si Rosario anila.

Sa Government Procurment Reform Act na sinabi ni Rosario nakasaad doon na: “The firm owned and/or managed by an elective official, who is not the Head of Procurement Entity (HoPe) can participate as a bidder in government procurement, except in his/her own agency, subject to the disclosure of relatives and conflicts of interest provisions of Republic Act 9184 and its 2016 Implmenting Rules and Regulations (Local Government Unit of Santa Maria, Romblon (21 December 2017))”.

Ang mga kontrata ni Rosario na nagkakahalaga ng P409, 922, 102.31 na naging dahilan na nakasuhan siya at mga kasama niya  ni Castro ay ang “Completion of Multi-Specialty Center Building, Tower 1, Phase 4 (Annexes “F to F-3), Region 1 Medical Center Arellano Street, Dagupan City worth P170, 335, 514.95 in year 2024”, “Construction (Completion) of Multi-Purpose Building (Covered Court) at Barangay Tebuel, Manaoag, (Annexes “J to J-3”) sa DPWH 2nd District Engineering (DEO) amounting to P3, 842, 175.92 noong 2023” “Contract No. R1-PIMO-23-03-020 (Annexes K to K-5) National Irrigation Administration worth P9, 571, 059.99 noong 2023”, “Construction of 7-Storey Main Building Tower 1, Phase 3 (Annex “L”), R1MC, Dagupan City amounting P128, 775, 856.95 noong year 2023”,  “Improvement Along Tributary of Anara Creek, Quezon City District ! (Annex “P-4), Metropolitan Manila Development Authority worth P2, 951, 971.71 noong year 2016 at walo (8) pang mga kontrata.   

No comments:

Post a Comment