Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Matapos e contempt at ikulong ng mga miyembro ng Quadcom ang Chief of Staff ni
Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika T. Lopez sa detention cell ng
House of Representatives, walang pakundangang pinagbantaang patayin ng galit na
galit na bise president sina President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., First Lady
Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
“Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko
sa kanya, ‘pag pinatay ako patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin
Romualdez…” Nagbilin na ako, Maam, ‘pagnamatay ako ‘wag ka tumigil hanggang
hindi mo mapapatay sila, then he said “yes”, ani VP Sara sa mga mamahayag
sa detention cell ni Zulaika -- na ayon kay Ramon Tulfo ay siyota niya.
Pati ang pangako ni Pangulong Marcos na pababain nang P20 kilo ang bigas noong kampanya nila ni Duterte noong 2022 presidential election ay di nakaligtas sa mala-agilang pagpuna ng abugada:
“Paano ka magbenta ng palugi. Tinanong ko: “Nagsinungaling ba siya (tanong niya sa isang big time rice trader - Columnist). Noong sinabi niya outright “yes!” It is either he did not know what his talking about that so incompetent or he was lying through his teeth to get the votes of the people. Putang ina ninyong lahat! Martin Romualdez, Liza Marcos, Bongbong Marcos! Ginigitgit niyo ang mga tao ko diyan sa envelop na iyan…”
Sa pagbabanta pa lang ni Sara ng madaling araw ng Nobyembre 24 puede na siyang ma warrantless arrest sa kasalanang Grave Threat base sa Article 282 ng Revised Penal Code (RPC). Ito ay nagsasaad:
“Grave threat occurs when a person, without lawful reason, threatens another individual with the commission of a crime that may cause serious harm or injury. This includes:
• Threats to kill or seriously injure someone
• Threats of physical violence or harm
• Threats to damage property of considerable value”
Noong paratangan niya si Speaker Romualdez na nanuhol ng mga Justices ng Supreme Court at nilulustay ang pera ng bayan doon pa lang sa dalawang akusasyon ay puede na siyang maipakulong dahil sa kriminal na kaso na Libel (Article 353 RPC) at Incriminating Innocent Person (Article 363 RPC).
“Presidente ka nga, Speaker mo na involved sa bribery ng Supreme Court Justices. May video, may kaso, my witnesses! Hindi mo tinanggal iyang Speaker mo. Pinabayaan mo siyang abusuhin ang pera ng bayan. Paikot-ikot sa buong bansa namimigay ng pera na para sa kanya,” ani ng galit na galit na si La Sara.
Ang tanong ko: Bakit hindi na warrantless arrest si Sara noong gabing sinabi niya iyong mga nakasulata sa itaas? Ang nasabing pag aresto ay nakasaad sa Section 5, Rule 133 ng Rules of Court, at nagsasabi:
“A peace officer or a private person may, without warrant, arrest a person:
(a) When in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or attempting to commit an offense;
(b) When an offense has in fact been committed, and he has personal knowledge of facts indicating that the person to be arrested has committed it; and…”.
Hindi kayang gawin ng nag-aalinlangang pamunuang Marcos ang pag-aresto sa nagwawalang bise president dahil alam nilang pwedeng maging mitsa ito ng people power sa EDSA o ibang lugar sa bansa kung saan posibling maging rasones ang kaguluhang ito ng pag-aklas ng mga kasundaluhan at kapulisan na hindi makalimot kung paano tinaasan ng husto ng ama ni Sara ang mga sahod nila noong siya ay Pangulo noong taong 2016 hanggang 2022?
Bakit hindi pina contempt at ikinulong gaya kay Atty. Zulaika (na sumulat sa Commission on Audit) na wag muna ilabas ang audit so Office of the Vice President) ng Quad Commission noong binastos ni dating Pangulong Duterte si dating Justice Secretary at dating Senador Leila de Lima sa hearing ng Quadcom noong Nobyembre 13 kung saan tinawag niya itong “wakwak” (aswang) at akmang susuntukin niya ang dating senadora na ipinakulong niya ng pitong taon.
Bakit di nila ni cite ng contempt
ang matanda noong hamunin niyang sampalin si dating Senator Antonio Trillanes
at akmang babatuhin niya ng mikropono noong sabihin sa kanya ng dating PMYer na
pirmahan ang waiver sa BPI na P2.4 bilyon niya na galing sa mga drug lords
noong panahong president siya ng Pilipinas.
Dahil takot din sila na baka
kinabukasan wala na silang trabaho at nakakulong pa sila -- susmariosep! -- oras na umupo sa Malacanang si Sara sa
isang coup’d’tat?
Noong udyukin ni dating Presidente Rodrigo Duterte – ama ng bise president –
ang military na huwag ng supurtahan ang adik na si BBM sa isang press
conference niya sa Davao City noong Disyembre 25, bakit hindi siya pinuntahan
ng police at ikinulong sa sedition sa pamamagitan ng warrantless arrest?
“Kayo bang mga military saka police, would you still confined to support a drug
addict?” “I challenge the military itself, the whole of the military kasi sila
ang supposed to be protector of the Constitution. Now tell me! Kung protector
sila ng Constitution, are they willing to still protect the President who is a
drug addict for another four years?”
Puedeng pumasok itong panawagan ni Duterte sa Inciting to Sedition.
“….. (W)hich tend to instigate others to cabal and meet together for unlawful
purposes, or which suggest or incite rebellious conspiracies or riots, or which
lead or tend to stir up the people against the lawful authorities or to disturb
the peace of the community, the safety and order of the Government…,”
bahagi ng Article 142 sa RPC.
Bakit hindi pinosasan ng awtoridad si Digong doon palang sa pananalita niya (na
ilang beses niya nang ginagawa)?
Ito ba dahil takot sila na magkaprublema apat na taon bago matapos ang termino
ni Marcos?
Anong say niyo mga kapatid?
No comments:
Post a Comment