LINGAYEN, Pangasinan –Labis ang saya ng mga empleado dahil sa libreng dental at eye care na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon “Monmon” V. Guico III.
LIBRING dental , eye care, at iba pa sa mgas empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon “Monmon” V. Guico III. |
Tinatayang nasa dalawamput anim (26) na empleyado ang nabigyan ng ‘free
denture services' at nasa 203 naman ang nabiyayaan ng libreng 'eye check-up at
eyeglasses.'
Nasa 306 naman ang kabuuang bilang ng mga empleado na nakibahagi sa
beauty care services.
Kabilang sa mga libreng serbisyo sa ilalim ng Beauty Care Services ay ang libreng gupit, pakulay ng buhok, manicure/pedicure, ear candling at masahe.
Ang mga nabanggit na libreng serbisyo ay bahagi ng isinagawang
“Employees’ Beauty Care & Wellness Day” sa Pangasinan Training and
Development Center 1 (PTDC 1).
Ito ay maagang Pamasko ng Kapitolyo bilang pagkilala sa malaking ambag ng
mga empleado sa patuloy na pagbibigay ng de kalidad na serbisyo sa bawa’t
Pangasinense.
Pinangunahan ng Health and Wellness Club (HWC) at ng HRMDO ang aktibidad.
(Chona C. Bugayong, Joey Olimpo/PIMRO)
No comments:
Post a Comment