NAGING produktibo ang isinagawang benchmarking activity ng delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Daly City at San Francisco California
.
Sa tulong ng United Pangasinanes of
America Incorporated na siyang nagpadala ng imbitasyon, nagkaroon ng
benchmarking activity sa Stanford Hospital, Urban Planning Council, San Francisco
Police Department at sa water treatment facility ng Daly City.
Naging oprtunidad din ito para
personal na makausap ng delegasyon sa pangunguna ni Provincial Administrator
Melicio Patague II si Daly City, California Mayor Juslyn Manalo.
Si Mayor Manalo ay ang
kauna-unahang Filipina American Mayor ng Daly City. Kilala siyang tagapagsulong
ng programa kaugnay sa affordable housing, youth development, community
development at kapakanan ng mga Filipino Word War 2 veterans.
Ang isinagawang benchmarking ay
inaasahang magbubukas ng oportunidad para magkaroon ng international
partnership sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, Daly City at
San Francisco para lalong mapabuti ang mga programa sa healthcare, disaster
response and management, social services at iba pang aspeto ng pamamahala. (PIO)
No comments:
Post a Comment