Monday, October 28, 2024

Takot mga Senador na Ipakulong si Duterte

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong nag komento ako mga alas kwatro ng hapon kahapon habang pinapanood ko si dating Presidente Rodrigo Duterte na nagsasalita na may kasamang walang puknat na pagmumura ng “pu_ _ _ in* sa harap ng mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa anim na libong patayan sa drug war niya, aniko: “Di kayang pahintuin ng mga Senador si Duterte kahit nababastos na sila”.

ACTORS. (L-R) Senator Risa Hontiveros, former President Rodrigo Duterte, and former Senator and former Justice Secretary Leila de Lima. De Lima was jailed for countless of years during the presidency of Duterte because of fabricated charges of narcotics peddlings.

Isa lang sa kanila kalaunan ang may bayag na umalma na ihinto niya ang pagmumura  sa prestihiyusong bahay nila. Iyong may bayag ay hindi si Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Bato dela Rosa, Robin Padilla, at Koko Pimentel kundi isang babaeng solon na si Senator Risa Hontiveros.

“May angas pa rin si Duterte,” ani Al Penamante noong mabasa niya ang post ko sa Inglis.

So what’s the argument, Sir?” tanong ng isang fan ni Duterte sa bayan ko sa Cotabato na karamihan ay maka Rodrigo at Sara Duterte -- siyempre mga taga Mindanao sila.

Nasa statement ko just understand it,” sagot ko sa kanya sa post ko sa Inglis.

Gawin niyong Ilonggo para maintindihan niya. Mahirap pa naman paintindihin iyang mga DDS,” kantiyaw ng kababayan ko sa Ilonggo na si Joew Kuirpz, hahaha!

Ang DDS pala ay hindi iyong Davao Death Squad kundi ay Diehard Duterte Supporters.

Aniko malayo ang mga Senators sa Quad Committee ng House of Representatives. Ito ay kinabibilangan ng mga Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts na pinamumunuan nina Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido Abante, at Joseph “Caraps” Paduano.

Baka nagkabanggaan na at ni cite with contempt na ni Paduano  (isang siga ng Quad na dating miyembro ng Alex Boncayao Brigade sa Negros  ng armadong kasapi ng komunista) at ni Cong. Romeo Acop (isang abugado at retiradong heneral ng pulis) si Duterte.

***

Ano kaya ang mangyayari pag pinakulong ng miyembro ng QuadCom o Senado kagabi si dating Pangulong Duterte dahil di nila nagustuhan ang tono ng mga salita niya gaya ng pagmumura at mala Palace briefing  na pagkahaba-haba?


They would be “playing with fire” at hindi magugustuhan ni President Ferdinand Marcos ang kahihinatnan niya.

Ano iyon?

Babaha ang EDSA ng mga pro Duterte supporters na magwawala at magsisigaw na palayain ang idolo nila na utak sa madugong drug war sa Pinas. Lalo na bumalik na naman at naging talamak ang bentahan ng shabu at marijuana sa Pilipinas.

Iyang gusot na iyan ay pwedeng maging daan sa pag-aklas sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan na kung saan halos lahat sila ay nabiyayaan ng paglobo ng mga sahod nila noong panahon ni Duterte.

Pag mangyari iyan sasali ako sa pag-aklas,” ani ng isang non-commissioned na pulis na ayaw magpasulat ng kanyang pangalan. Ganoon din ang sinabi ng isang sarhento sa akin kahapon habang pinapanood namin ang circus, este, hearing sa patayan noong mga drug suspek sa Senado kahapon.

Marami sa hanay namin ang maka Duterte,” dagdag pa niya.

Ito ay isang “litmus test” kay Pangulong Marcos oras na makitaan ng “probable cause” si Duterte gaya ng pagsasalaysay ng dating “kabit” niyang si retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chief Royina Garma sa QuadCom at ma isyuhan siya ng warrant of arrest at ikukulong sa walang piyansang kasong murder.


 

 

No comments:

Post a Comment