Thursday, October 10, 2024

Binaboy ni Actress Julian ang Simbahang Katoliko

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Nababoy ni Actress Julian San Jose ang Katolikong simbahan noong kumanta siya ng "Dancing Queen" ng ABBA suot ang seksing damit niya kamakailan lang. 

"You can dance, you can jive

Having the time of your life, ooh-ooh-ooh

See that girl, watch that scene
Digging the dancing queen," ani ng kanta ni San Jose.

Kahit anong sabihin ng promoter niya na hindi niya kasalanan ang konsiyerto niya na ipinangalandakan ng Sparkle GMA Artist Center sa social media na nag viral, ang backlash ng galit ng Filipino ay kay Julian.

Her popularity stocks are surely affected.

Si actress Julian San Jose habang kumakanta ng "Dancing Queen" sa altar ng Nuestra Señora del Pilar Parish Church sa Mindoro. Photo credit: Fashionpulis.com

Ani sa excerpt ng news ng Philippines Daily Inquirer: “Sparkle GMA Artist Center announced that it would be taking full responsibility for Julian Anne San Jose, after the singer-actress went viral for performing at the Nuestra Señora del Pilar Parish Church in Mindoro”.

Kahit ano pang damage control ang gagawin ng GMA, damay si Julian sa pagbalahura sa kataimtiman at pagkasagrado ng altar ng simbahan kung saan siya –suot ang sexy na damit na kita ang cleavage ng dalawang Mt. Hibokhibok niya at may hiwa pa na kita ang mala-labanos na binti niya -- ay masiglang kumakanta at umiindayog.

Kung sa criminal case iyan ng conspiracy, liable si Julian as principal by direct participation, si GMA as principal by inducement, at ang Kura Paroko ng Nuestra Señora del Pilar Parish Church na si Father Carlito Meim Dimaano as principal by cooperation.

Pero walang criminal case dito kundi administrative case na ipapatong ng liderato ng simbahang Katoliko para e-disiplina iyong Pari na pumayag na mag pop music concert si Julian at ang GMA.

Ang nasabing konsiyerto ay dinumog ng mga batikos ng mga netizens sa social media.

Kung ako lang ang masusunod, e-demote iyong Paroko at gawing Chaplain sa mga kulungan kung saan si Dooms Day Pastor, alleged rapist, at Son of God Pastor Apollo Quiboloy, Pogo Queen Alice Guo, at mga kriminal na may kasuklam-suklam na mga kaso ay na nakapiit ngayon sa Camp Crame, Quezon City.

No comments:

Post a Comment