Wednesday, October 2, 2024

Guico, Lambino Naghain na ng Kandidatura para 2025 Eleksyon

Maagang nagtungo si Pangasinan Governor Ramon V. Guico III at First Lady Maan Tuazon-Guico sa tanggapan ng COMELEC Pangasinan Provincial Office sa Dagupan City noong October 2, 2024.


Dito, pormal nang naghain si Governor Guico ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang ikalawang termino bilang gobernador.
Kasabay ni Governor Guico sa paghahain ng kandidatura si Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino. Kasama rin niya ang kanyang
maybahay na si Atty. Melanie Lambino.
Determinado si Governor Guico na ipagpatuloy ang kanyang mga programa at adhikain para sa mas maunlad na Pangasinan.
“Mananalo po si Monmon Guico as Governor. Mananalo si Mark Lambino as Vice Governor at ang buong team Aguila. Mananalo po kami dahil konkreto ang mga programang inilalahad namin sa inyo at ginagawa na po namin ito,” pahayag ni Governor Guico sa naganap na press conference.
Nagtungo rin sa COMELEC para magpakita ng suporta ang ilang kabahagi ng AGUILA (Alyansang Guico Lambino) gaya na lamang ni 5th District Congressman Ramon “Monching” Guico Jr.
Una rito, naghain na rin ng kandidatura sa pagka-alkalde ng Urdaneta City, Pangasinan si First Lady Maan Guico.

No comments:

Post a Comment