Thursday, October 24, 2024

Baha sa Capitol Sanhi ng Storm Surge

LINGAYEN, Pangasinan - Iginiit ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang nararanasang pagbaha sa Capitol Compound at ilan pang bahagi ng mga barangay ng bayan na ito at mga bayan sa Pangasinan ay dulot ng storm surge.

STORM SURGE floods the sorroundings of the Capitol Complex in Lingayen, Pangasinan. Storm surge is the rising of the sea as a result of the athmospheric pressure changes and wind associated with a storm. The scourge of the surge brought by Typhoon Kristine in October this year was felt in Camarines Norte when 528.5 millimeters of rain water fell in the huge part of the province that showed houses there submerge. The last time the country suffered this volume that fell in 24 hours was in 1920 or 100 years to the present year, according to the weather bureau.


“Nakaranas po tayo ng storm surge at sumabay pa po diyan ang high tide kaya po bumaha dito sa may Capitol area at sa may Baywalk area. Base po sa monitoring natin kagabi, nasa two to three feet iyan. So, kaagad po naming inilikas ang ating mga barangay na nasa coastal areas ng municipality ng Binmaley at Lingayen,” saad ni PDRRMO Operation Chief Vincent Jun Chiu.

Paglilinaw pa niya, bukod sa bayan ng Lingayen, nakaranas din ng Storm Surge ang Infanta, Labrador, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, at Alaminos City.

Ang storm surge ay ang abnormal na pagtaas ng seawater level tuwing may bagyo.

Ang storm surge ay dala ng bagyong Kristine kung saan ang lupit niya ay naranasan sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan nagbuhos ng record-high na tubig-ulan ang bagyo sa loob ng 24 oras.

Batay sa record ng state weather bureau, ibinagsak ni Kristine ang 528.5 millimeters ng tubig-ulan sa malaking bahagi ng naturang probinsya sa loob lamang ng 24 oras o isang araw. Ayon sa weather bureau, huling nasilayan ang ganitong volume ng ulan noon pang 1920s o 100 years base sa taon ngayon.

Sa lakas ng hangin na dala ni Kristine ang tanker na MV Xavier na biyahing Sual ay sumadsad sa baybayin ng Baywalk sa Binmaley Huwebes ng umaga.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Head Armenia Delos Angeles, papunta umano sa Sual ang tanker ngunit sa lakas ng hangin at alon ay sumadsad ito sa Binmaley Beach.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 531 na pamilya o 1,808 indibidwal sa Pangasinan ang inisyal na bilang na nailikas sa ibat-ibang evacuation centers sa tulong ng Search and Rescue Teams, local government units (LGUs), at Municipal/City Disaster Risk Reduction and Management Office, at mga opisyales ng barangay.

Tiniyak ni PDRRM Council Chairman at Governor Ramon V. Guico III na mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Kristine.

Pinapayuhan din niya ang bawat residente na maging maging maingat at alerto para manatiling ligtas. (Reports from Mortz Ortigoza and PIMRO)


No comments:

Post a Comment