Sunday, October 20, 2024

DILG, Police ang Magpapababa kay Parayno pag Mag-ala Tuko' Siya

 Ni Mortz C. Ortigoza

Sa mga nabasa kong nag-ala tukong mga alkalde o gobernador na nasuspinde o tinanggal ng Sangguniang Panlalawigan (mambabatas o SP), Ombudsman, o Office of the President, ang nagpatupad ay ang Department of Interior & Local Government (DILG) sa pamamagitan ng kanyang Kalihim.

 

ANG NAKANGITING si Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno III .

Dalawang halimbawa ang naalaala ko:

Noong ayaw bumaba sa puesto niya si Valencia City Mayor Jose M. Galario, Jr. dahil sa temporary restraining order (TRO) na hinain niya sa korte matapos siya suspendihin ng tatlong buwan ng Ombudsman noong Abril 15, 2005, sinulatan ni Ombudsman Simeon Marcelo si noo’y DILG Secretary Ricardo Puno na tulungan silang pababain si Meyor.  Sinulatan ni Marcelo si DILG Region-10 Director Quirino M. Libunao para ipatupad ang suspension matapos mawalan ng bisa ang TRO na inihain ng alkalde.

Noong Enero 2007, nag ala tuko' si noo’y Iloilo Governor Neil Tupas sa utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo na tanggalin siya sa puesto kaya gumamit ang DILG ng 300 armadong police at mga commando para sugurin, basagin ang salamin na pinto, at sirain ang bakal na bakod ng Kapitolyo sa Iloilo City at e-manhandle at tutukan ng mga baril ang mga kasama ni Tupas (kasi may balitang may mga nagtatago sa loob na mga armadong jail guard). Kinaladkad ng mga pulis ang pumipiglas at sumisigaw na si gobernador palabas ng kapitolyo habang ito ay pinapanood ng madlang pipol sa buong bansa sa pamamagitan ng telebisyon. Kasama sa tinanggal ni Pangulong Arroyo ay sina Board Members Domingo Oso at Cecilia Capadosa dahil sa pag abuso kuno nila ni Guv ng kapangyarihan na kinakasangkutan ng pondo ng gobyerno.

 MAYOR PARAYNO VS CAPITOL

Hinatulan ng buong miyembro ng SP si Urdaneta City Mayor Julio "Rammy" Parayno III ng one year suspension noong Oktubre 14 matapos siyang husgahan sa kasalanang isinampa sa kanya ni Bryan Gomez, kinatawan ng REVM Tipuso Poultry Farm sa Brgy. Tipuso, Urdaneta City at Anti Red Tape Authority (ARTA). Dalawa sa batas ang nilabag niya.

 Ito ay ang “Imposition of additional requirements other than those listed in the Citizen’s Charter” ng Section21 (b) ng Republic Act 11031 o Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services at “Failure to render government services within the prescribed processing time on any application or request without due cause” Section (e) ng RA 11032.

GUSOT

Nagsimula ang gusot sa buhay ni Parayno noong ayaw niyang bigyan ng business permit noong June 11, 2020 nang inisyuhan nya ng Cease and Desist Order ang REVM at inantala niya ang pagsagot sa liham nito na “for him to formally write the reasons for disapproval of its business permit application” noong Marso 8, 2021. Sinagot lang ito ni Parayno noong Marso 25, 2021.

Noong Oktuber 14, inangkop ng buong SP ang report ng Committee on Good Government and Accountability of Public Officers, Justice, and Human Rights na pinamumunuan ni Board Member Haidee S. Pacheco – isang abugada.

Ayon sa SP na pinamumunuan naman ni Vice Governor Mark Ronald Lambino: “…adopted the Committee finding that Mayor Julio Parayno III was GUILTY of violating Section 21 (b) of RA 11032 and Section 21 (e) of RA 11032… Accordingly respondent Parayno is meted a penalty of six (6) months suspension for violation of Section 21 9b) and another six months for violations of Section 21 9e) of RA 11032 pursuant to Section 2 Rule 11 of Administrative Order No. 23, Series of 1992”.

RTC JUDGE VS SP

Dahil kinatigan ni Judge Crisma Vismano-Nabua ng Regional Trial Court sa pamamagitan ng TRO ang three months’ preventive suspension ni Parayno na ipinatupad ng SP at pinirmahan ni Pangasinan Gobernador Ramon V. Guico III noong Agosto 8, 2024, siya ay nakabalik sa city hall noong Oktubre 16 matapos niyang bunuin ang 65 araw ng 90 araw na suspensyon.

Ani Parayno noong Oktubre 17 sa kanyang Facebook sa sinulat niyang sipi: “Mabuhay ang mga taga –Urdaneta…nakabalik na po ako bilang City Mayor”.

LEGAL OPINION

Noong magkita kami ni Attorney Baby Ruth Fermin-Torre, ang provincial legal officer, noong Huwebes sa ManilaFAME sa World Trade Center sa Pasay City, sinabi niya sa akin na Moot and Academic o WALA NG BISA ang desisyon ng RTC sa three months’ preventive suspension na iginawad ng Committee sa Alkalde dahil nauna ang final suspension na ibinigay ng buong Sangguniang Panlalawigan noong Oktubre 14 kaysa sa Oktubre 16 na desisyon ng Korte.

DILG ANG KATAPAT NIYA

Kung ayaw kilalanin ni Parayno ang utos ng SP na umalis siya ng isang taon sa puesto niya, makakatapat  niya ang DILG gaya ng nangyari sa Valencia City at huwag naman sanang mag ala tuko' siya sa city hall dahil magiging Neil Tupas ang kahihinatnan niya.

 


No comments:

Post a Comment