Matapos humarap sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagdinig ng 2025 budget, pinulong ni Pangasinan Gov. Ramon "Mon-Mon" V. Guico III ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Council.
Si Pangasinan Gov. Ramon V. Guico
III habang namimigay ng relief goods katulad ng hygiene kit na nakikita sa
larawan sa 170 katao na nasalanta sa Typhoon Kristine kamakailan lang. |
Dito pinag-usapan ang sitwasyon ng
probinsiya habang patuloy itong binabayo ng Bagyong Kristine. Sa pagpupulong,
tinalakay ang mga dapat gawin para matiyak ang kaligtasan at mabilis na
matugunan ang pangangailangan ng bawat Pangasinense.
Kasunod nito ay pinasyalan ni
Governor Guico – tumatayong chairman ng PDRRM Council ang mga evacuation
centers para kumustahin ang mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Aabot sa isangdaan at pitumpong (170) pamilya ang personal niyang binigyan ng
relief packs na may lamang hygiene kits at pagkain. May ipinamahagi ring banig
ang gobernador. Inaasahang madaragdagan pa ito habang patuloy ang relief
operation. Kasabay sa operasyon na tio ay ang feeding program ng Guicosina –
isang sasakyan de motor na may dalang mga pagkaing mainit.
Tuwang-tuwa ang mga residente nang
personal na tanggapin ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan mula
mismo kay Governor Guico.
“Konting
tiis lang. Ang importante ligtas tayong lahat. Talagang ito ay kalamidad. May
hightide at nagkaroon po ng storm surge, kaya unusual po ito. Pero ginagawa po
natin lahat ng paraan upang maging ligtas, maging malusog ang lahat,”
pahayag ni Governor Guico.
Kasama ni Governor Guico sa
paghahatid ng tulong ay sina Vice Governor Mark Ronald Lambino, Ret. Col.
Rhodyn Luchinvar O. Oro, Board Members Philip Theodore Cruz at Haidee Pacheco,
at PSWDO head Annabel Terrado-Roque. (PIO)
No comments:
Post a Comment