Thursday, October 31, 2024

Fake News, Litrato ni Mayor Bona sa Casino

 

PATI P280-M LOAN GAWA - GAWA NG KALABAN

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Mariing pinabulaanan ng alkalde ng bayan na ito ang mga naglilitawan sa social media na mga negatibong isyu gaya ng babaeng nakatalikod habang nagsusugal sa loob ng casino.

“Nakasalamin pa! Hindi ako nagsasalamin. Ayan, ay di ako iyan! Dadalhin ko iyan magkakasino ako nakasalamin ako?! Saka wala akong jacket na ganyan. Saka medyo mataba ako pero hindi ganyan kalapad ang dito ko! Fake kamo ibagam tampol (sabihin mo kaagad)!” patawang nasambit ni Mayor Bona Fe D. Parayno sa litrato na pinakita sa kanya ng writer na ito na may pamagat “Mayora nasa casino???”. Nakapangalan ang Facebook Page sa kay Rose A. Abalos – isang troll na bumabanat rin kay dating Mayor Marilyn Lambino.

 

Ang kontrobersyal na pekeng larawan ni Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno.


“Hindi naman sila nakasalamin,” ani ng isang staff niya.

Pinabulaan ng beteranong alkalde na siya ang nasa likod ng mga paninira sa mga katungali niya sa mataas na elektibong pusisyon dito sa mayamang bayan sa Pangasinan.

“Basta sabihin mo kahit ano ang mangyayari hindi ako nag uutos manira ng tao,” aniya.

Marubdob na binasura rin ni Mayor Bona ang paratang ng kalaban niya na may loan sa bangko na P280 million ang local government unit (LGU) dito.

"Hindi totoo iyan!" tugon niya noong kapanayamin siya ng writer na ito sa kumakalat na mga black propaganda sa social media.

Ani ng isang department head na ayaw magpabanggit ng pangalan na kung susumahin ay P250 million lang ang loan na ni kontrata ng tatlong dumaang Alkalde dito.

Umutang sa banko si dating Mayor Herminio Romero ng P60 million, Mayor Bona ng P40 million noong term niya noong middle of 2010's, at Mayor Lambino ng P150 million.

Ani Mayor Parayno bayad na iyong utang ni Romero at noong unang term niya (Bona) na ginastos sa pampaganda at konstruksyon ng palengke sa bayan. Kasalukuyan niyang binabayaran ang P150 million na loan ni Mayor Lambino.

"Actually noong pag dating ko dito ako ang unang nagbayad doon sa loan nila (Lambino) kasi meron silang nakuha sa bangko na in two years’ time babayaran kaya ako ang unang nagbayad sa kanila," sambit ni Parayno na pumalit kay Lambino noong June 30, 2022 noong talunin ng una sa rematch nila ang huli noong May 9, 2022 election.

Magkakabangaan si Parayno, Lambino at si Vice Mayor Mark Stephen Mejia sa pagka alkalde sa Mayo 12, 2025 eleksyon.

No comments:

Post a Comment