CALASIAO, Pangasinan - Ginawaran ang Lokal na Pamahalaan dito ng Green Banner Seal of Compliance Award sa ginanap na Gawad Parangal ng Nutrisyon sa Rehiyon Uno noong ika-30 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.
Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator
Romalyne Q. Macanlalay bilang representative ni Punong Bayan at LNC Chairman
Kevin Roy Q. Macanlalay, Municipal Health Officer Dra. Gemma Rodrigo, MNAO
Vilma Gaspar, at ibang myembro ng LNC.
Ang Green Banner Seal of Compliance
Award ay ginagawad sa mga municipalidad na nakakamit ng natatanging Nutrition
Standard Requirements sa pamamagitan ng pagsusuri ng MELLPI PRO Provincial
Evaluation Team.
Ito ay patunay na nagagampanan ng maayos
ng LGU Nutrition Office ang kanilang tungkulin sa pag implementa ng mabuting
nutrisyon sa bayan.
No comments:
Post a Comment