Wednesday, May 8, 2019

“Independent Po Ako, Wala Akong Partido” – Grace Poe



     (Stump Speech in Pangasinan)

Sa mga mamayan ng Bayambang, muli, magandang umaga sa inyong lahat. Alam mo, pangalawang beses ko nang pumunta dito sa Bayambang mismo, ito lamang kampanyang ito.
Ganyan kayo kalapit kay mayor na inimbita ako dito; ganyan kayo kahalaga sa akin. Napakaganado naman ng crowd na ito, ang saya, talagang excited, gising na gising sila.
Pero alam niyo, ilang beses na akong pumupunta dito sa Pangasinan, kasi alam naman ninyong kababayan ninyo ako; alam naman ninyo na si FPJ, ang kanyang pinagmulan ay Pangasinan, kaya napaka-proud si FPJ sa Pangasinan.
 Kaya lang, noong naglalakad ako dito, ang unang sinabi sa akin ay, “Grace Poe, ang liit mo pala.” Sabi ko, “Oo, sa TV lang ako mukhang malaki pero sa tunay na buhay, ganito lang no.”
Pero okay lang ‘yon, hindi ba, sa Bibliya, natalo ni David si Goliath. Kaya kahit wala tayong partido, dahil hindi naman ako kasama ng pula o hindi din ako kasama ng dilaw, tayo’y puti, tayo ay nananaig pa rin dahil sa inyong lahat. Kaya maraming salamat, nandiyan pa rin tayo.

Image may contain: 4 people, including Rosendo O So, people smiling, people sitting and outdoor
HUSTINGS - Re-elective Senator Grace Poe (2nd from right) leads a motorcade in the vote-rich Pangasinan province where it ended in an evening grand rally at Binalonan town. Others in photo from left are Abono Party List Chairman Rosendo So, famous actor Coco Martin, Poe, and Movie and Television Review & Classification Board Chair Rachel Arenas. PHOTO CREDIT: ROSENDO SO

Habang naglalakad ako dito, excited ‘yung mga kababayan natin, ako naman, excited din, nagkakamay, niyayakap ko sila; kaya lang kanina, mayroong humalik sa bibig ko, ‘yung nakabukas pa ‘yung bibig ko, grabe, ganyan tayo ka-close. Alam niyo, hindi ko na pahahabain pa ito. Basta lamang, nakita naman ninyo, ang magagandang balita na sinabi ko sa inyo, na sa darating na pasukan, lahat ng mga batang walang pagkain, kulang ang timbang at kulang ang nutrisyon, libre na ang pananghalian sa lahat ng public schools. Tapos, alam mo, ‘yung mga Pangasinense, mga Ilokano, talagang importante sa kanila na magkaroon ng college degree, na nakatapos ang kanilang mga anak; pero ‘pag nag-graduate, kailangang maghanap ng trabaho; ‘pag naghanap ng trabaho, anong hinihingi sa iyo: NBI clearance, police clearance, barangay clearance, medical clearance, ‘di po ba. Ang magandang balita niyan, sa mga first-time jobseekers at kaka-graduate lang, wala nang bayad ang mga clearances, batas rin na ipinasa natin. Marami tayong puwedeng itulong pa, lalung-lalo na ngayon na tagtuyot, lalung-lalo na ngayong bumabagsak ang presyo ng bigas, palay. Kailangang tulungan ang ating mga magsasaka at ‘yan ay aking tututukan dahil ang Pangasinan, marami ditong mga kababayan ko ay magsasaka at mangingisda. Kaya ‘yan talaga ang aking adbokasiya.




 
Ngayon, sa mga senior citizen naman, ipinapaalala sa akin ni Lola Flora, “Grace, ‘wag mong kakalimutan ang mga senior ha.” Kaya kung manalo akong muli bilang senador, ipapanukala ko na lahat ng seniors na mahihirap, dapat mayroon nang pensyon.
Ngayon, sa aking mga kababayan, hihilingan ko kayo ng tulong kasi alam po ninyo, independent po ako, wala akong partido. Maraming salamat na lang kay Mayor Quiambao na kanya akong tinanggap dito; kasi naman, kababayan ninyo ako.
 Ano ang natutunan ko kay FPJ na kababayan ninyo? Unang-una, tumulong sa kapwa kahit na sikat na sikat na siya at kahit na artista siya, sa tunay na buhay, talagang tumutulong ‘yon. Kung sa pelikula, nakikita niyong bugbog na bugbog na si FPJ, bumabangon pa rin, ganyan siya sa tunay na buhay. At ganyan din tayo, minsan, nakita naman ninyo noong 2013 nanalo ako talaga, noong 2016 bagama’t hindi ako nanalo, dito sa Pangasinan, nanalo ako. Kaya inspirasyon ko kayo, bumangon tayo at patuloy pa rin ang ating trabaho, ganyan ang aking gagawin. Sabi ng nanay ko sa akin, “Grace, senador ka, kailangan magandang ehemplo ka, set a good example. Kailangan magtrabaho ka, magsipag ka, mag-aral kang mabuti para alam mo kung ano ang mga gagawin mo. At ‘pag mayroon kang hearing, kailangan patas ka. Kung gusto mong malaman ang katotohanan, kahit sino pa ang nandiyan sa harapan mo, ‘wag mahihiyang magtanong.”
Kaya po, sa inyong lahat, kakapalan ko na ang aking mukha. Mga kababayan, kailangan ko kayo, kailangan ko kayo para lumamang tayo ng mataas; para sabihin nila na ang nangungunang senador ay taga-Pangasinan. Noong naglalakad ako diyan, may nagsabi sa akin, “Grace, number one ka sa akin,” ‘yun ang importante, na sa puso ninyo at sa puso ko, tayo ang number one. ‘Yun naman talaga ‘yun, gawin na lang natin kung ano ang makakaya natin kahit wala tayong makinarya basta tayo ay ‘wag susuko. Kaya ngayon, mayroon akong—hindi maaaring hindi ko ibigay ito sa inyo kasi mahal ko kayo—alam ko naman excited kayong makita ako pero mas excited kayong makita ito.

 Handog ko sa Pangasinan, walang iba kundi si Coco Martin!

READ:

Sen. Poe: Power ng TV Ads, Pagpasa ng PSA



No comments:

Post a Comment