Wednesday, May 8, 2019

Pangalawang power plant tuloy na sa bayan ng Sual



Nagpahayag ng kasiyahan si Mayor Bing Arcinue ng bayan ng Sual sa patuloy na pagsusuporta ng mga kababayan nito sa mga development projects na kanyang isinosulong upang magkaroon ng dagdag trabaho, hanapabuhay at dagdag na kita ang pamahalaang bayan.
Isa sa mga malaking proyekto ay ang pagpapatayo ng pangalawang coal-fired power plant. Ito ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa two billion US dollars at ipapatayo ng Korean Electric Power Corporation, ang pinakamalaking power producer sa South Korea.
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ay ang Ugnayan ng Nagkakaisang Kababaihan (UNAKA), ang pinakamalaking samahan ng mga kababaihan ng Sual na may kasapi nahumigit-kumulang sa pitong libo.
Nagpahayag din ng kanilang suporta ang Office of the Senior Citizens Affairs na pinanamumunohan ni retired lieutenant Jaime V. Aceret at ang pinakamalaking samahan ng lahat ng senior citizen, ang Federation of Senior Citizens Association of Sual na pinamumunohan ni ginang Cecilia D. Camo.
Hindi rin nagpahuli ang samahan ng mga magsasaka ng Sual na may humigit-kumulang sa anim na libong miyembro.
Isang Manifesto of Support ang kanilang nilagdaan kamakailan na kung saan kanilang deretsahang inihayag ang kanilang suporta sa administrasyon ni Mayor Arcinue.
 Narito ang nilalaman ng naturang Manifesto of Support:




Ang nasabing Manifesto of Support ay pirmado ng lahat ng presidente ng Senior Citizen Associations mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Sual.


No comments:

Post a Comment