Wednesday, May 22, 2019

Karagdagang power plant sagot sa krisis sa kuryente

Muling iginiit ng mga energy experts ang pagpapatayo ng karagdagang power plants upang masawata ang posibleng pagkakaroon muli ng krisis sa enerhiya.
Ayon kay Ginoong Allan Ortiz, dating presidente ng National Grid Corporation of the Philippines, malaki ang posibilidad na magkakaroon na naman ng matinding kakulangan sa kuryente ang bansa kung magkaroon ng aberya ang mga lumang power plant.
Sinabi pa ni Ortiz na nangangailangan ng sapat na supply ng kuryente dahil sa Build, Build Build program ng Pangulong Duterte.
Image result for power shortage in the philippines
Ang kakulangan sa supply ng kuryente ay unti-unti nang nararamdaman nitong tag-araw dahil sa malimit na power interruption sa Metro Manila at iba’t ibang dako ng bansa.
Noong Biernes, muling nag-abiso ang pamunuan ng Manila Electric Company na magkakaroon ng brownout o power interruption sa malaking bahagi ng bansa bunsod na rin ng maintenance works at upgrading facilities.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, noong panahon ng eleksyon ay nagpatupad sila ng moratorium sa kanilang mga maintenance works upang maiwasan ang brownout o power interruption na maaaring magdulot ng pagkaantala at aberya sa halalan pero ngayon ay tapos na ang moratorium.
Ngayong Biyernes, May 17-19 ay magkakaroon ng power interruptions sa Maynila, Quezon City, San Juan City, Mandaluyong City at Pasig City sa Metro Manila, gayundin sa ilang bayan sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon.
Kabilang sa maaapektuhan sa Cavite ang Tanza, Tagaytay City at Naic.
Sa Sabado, mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Tondo, Maynila.
Mawawalan rin ng kuryente sa Linggo, sa Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila,; Doña Imelda, Santol at Sto. Niño sa Quezon City; at Batis, Progreso at San Perfecto sa San Juan City.
Gayundin sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City; Pinagbuhatan, Pasig City at Cainta, Rizal.
May power interruption din sa madaling araw ng Sabado sa San Jose del Monte City, Bulacan.
ADVERTISING

No comments:

Post a Comment