Sunday, May 12, 2019

DAGDAG BANAT NI MAYOR BELEN VS BENJIE, BRIAN



By Mortz C. Ortigoza

Iyong McAdore building binenta ng P119 million ni Mayor Benjie S. Lim pero ang tunay na presyo niyan ay P450 million.
Iyong anak niya na si vice mayor Brian Lim noong councilor siya ay kasabwat siya sa pagbenta niyan noong inaproved niya sa sanggunian panlungsod ang hindi makatarungan na bentahan.  
Sinisi ni Fernandez ang iba pang panloloko ni Mayor Lim.
Babawiin ko hanggang sa huling sentimo iyong ma-anomalyang P16.2 million na binayaran ni Lim para sa  30 hectares na Awail Land Deal sa San Jacinto, Pangasinan.
Si Lim ay bumili ng P40 million na dredging machine na bago kono pero reconditioned at hindi na magamit ngayon.

Ang mga bagong big businesses na umusbong sa Dagupan City ay ang Fil-Invest Land, Inc, SM Supermall, City Mall, Sta. Lucia Land Development for Almeria Verde, ACE Hospital, at iba pa.

Nasa kalakasan at kasikatan ngayon ang Dagupan City magmula nang umupo tayong mayor ng 2013. Paano natin ginawa ito? Walang korapsiyon, walang tong-pats, walang red tape, walang ghost projects, at walang MAGIC!
Ang kuleksiyon sa comfort room ay sumambulat. Sa P800,000 (Lim Administration) umabot ng P9.2 million noong 2017 sa panahon ko.
Ang kuleksiyon natin sa palengke ay dumoble. From P37.7 million noong 2010 to P74.4 million noong 2017 noong ako na ang mayor.
Kita sa amelyar (property taxes) ay lumobo rin from P25 million in 2010 (Benjie S. Lim Administration) to P41 million in 2017 (Mayor Belen T. Fernandez (MBTF) Administration).
Kuleksiyon sa market cash tickets ay tumaas rin from P7 million in 2013 (Lim Administration) to P12.7 million in 2017 (MBTF Administration).

Sa edukasyon, ang Mayor Belen T. Fernandez (MBTF) Scholarship Program ay may P22 million budget kumpara sa P3 million budget na 2013 (Lim Administration).
The Lim Administration ay hindi nagpapondo sa ating scholars. Ang aking administrasyon ay nakapagpaaral ng 1,565 well deserving poor children ng Dagupan City.
Ang pondo sa education ay dumoble’. From P69 million (Lim Administration) in 2013 to nearly P130 million in 2018 (MBTF).
Dahil sa pondo na ito nakakapagbigay ako ng  madaming program and project para sa youth gaya ng Children Summit, yearly activities in partnership with DepEd na kung saan merong 20,000 kabataan ang sumali.

Lumundag ang Dagupan City sa No. 13 spot laban sa lahat ng cities sa buong Pilipinas sa Philippine Competitive Index in 2017. Malayo ito sa previous ranking na No. 44 in 2014. Ito ay isang taong matapos palitan ni MBTF si Mayor Lim.
“Hindi nakapagtataka na sa nakaraan dalawang taon, and Dagupan City ay nangunguna sa pagiging Best Local Government Unit sa Pilipinas earning the title as “Over-All Most Competitive” local government sa Region-1.

Kung noong huling taon ni Lim ay kapos  sa pera itong siyudad sa ilalim ni Mayor Belen, sumobra (cash surplus) ang yearly budget ng pera ang city  sa last five years kung saan merong pinaka mataas na surplus  na P147 million noong 2017.

Ang pondo sa youth and sports development ang napakataas sa P15.4 million noong 2018. Malaki itong P15 million kontra sa P494, 777 sa administrasyon ni Mayor Benjie S. Lim.
Dahil dito ang Dagupan City ay naging back-to-back champion sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet.
Ang pinalanuhan noong panahon ni Lim ay “Best in Uniform” award in 2013, ang Balon Dagupan Team No. 1 sa R1AA sa dalawang taon na sunod sunod.

Magmula 2013, ang MBTF Administration ay nakakapagpagawa ng 40 goveernment facilities, 88 road improvement projects at bumili ng 117 brand na sasakyan.
 Overall Most Competitive City in the Region (ranking number one in both government efficiency and economic dynamism), the provincial and regional awards as Best Performing Shared Service Facilities (SSF) project, the silver award for high functionality rating in the National Anti-Drug Abuse Council Performance Award, and the Masidhing Paghanga award.

Last year, Dagupan was adjudged as the Most Child-Friendly City in the country by the Council for the Welfare of Children.
The 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) award was conferred by President Rodrigo Duterte to Liga ng Mga Barangay President Dean Bryan Kua and other city officials.

Wala na tayong utang na ni kontrata ni Lim dahil binayaran ko na!

READ MY OTHER ARTICLE:


Why Dagupenos should envy Iloilo City





No comments:

Post a Comment