Calasiao, Pangasinan Mayor Joseph Arman Bauzon |
CALASIAO
– Kahit na tinapyasan na ng Land Bank of the Philippines ang loan dahil sa mga overpriced
na mga projects, nakitaan pa rin si Mayor Joseph Arman Bauzon ng mga proyekto na
overpriced, ani ex-mayor Roy Macanlalay.
“Ngayon ang Land Bank
pag may loan ka nire-review nila ang program of works mo. Ito ang
nakapagtataka, the same projects amounting to P165 million. Alam mo magkano ang
kinaltas sa P165 million? Kinaltasan kasi over priced Iyong program nila sa
lahat ng projects nila, the same project ang nakalagay diyan kinaltasan ng Land
Bank kasi overpriced ng P40 million,” aniya.
Ang
mga projects na nakitaan ng anomalya sa ilalim ng halos tatlong taon ni Bauzon
sa posisyon ay “shallow tube wells, construction of additional P20 million ng slaughter
house, iyong livestock market, backhoe,” dagdag ni ex-mayor Macanlalay.
Diin ni Macanlalay na iyong P24 million halaga ng malaking backhoe ay mabibili
lamang ng P6.8 million at iyong maliit naman ay P5 million
Ang
shallow tube well ay ginawan ng salamangka.
“Biro mo dito sa
one-and-a-half na tubo isa at kalahating piyesa o isang piyesa lang nakakakukuha na ng tubig para sa shallow tube well patubig. Ang naka program tatlong tubo. Imagine
mo, tatlong tubo ang ilalagay mo samantalang ang actual isa at kalahati lang. So
magkano ang ipinatong? Tanong ni Macanlalay.
Ani
Macanlalay sa dapat na 256 recipients’ ng well nilagay nila Mayor Bauzon na 128
lang ang nakatangap.
“So magkano ang tubo sa
de kuatro, de sais? Malaking pera iyan!”
Ani
Macanlalay sa 15 years nila ng anak niyang si Mark Roy na nanungkulan, sila ay
umutang lamang sa banko ng more or less P130 million.
“Nasunogan tayo.
Umutang kasi gusto nating tapusin ang sport’s complex, umutang tayo ng
magpagawa ng public market iyong maliit liit lang. So all in all P130 million
lang”.
Wika pa nito, nabawasan na iyon ng kalahati o P65 million.
Banat
ni Macanlalay si Bauzon, na pamangkin niya sa pinsan, ay may mahigit kumulang
na P200 million na utang sa banko.
“No. 1 na sa Pangasinan
sa utang (ang Calasiao)! P15 million plus P120 million equals P135 million plus
P60 million equals (almost) P200 million”.
Kakasuhan
ba nila ng Anti-Graft & Corrupt Practices Act si Mayor Bauzon at mga
kasabwat nito sa mga nasabing anomalous transactions pag nanalo si Mark laban kay Bauzon sa May 13 election?, tanong nitong
diyaryo.
“Grave abuse of
authority. Iimbestigahan ng Ombudsman iyan bakit kailangan magtayo ng another
P35 million na ginawa lang ng Macanlalay P15 million. Inabuso klarong klaro," madiin na sinabi ni dating mayor Roy sa iskandalusong, nakakasulaok, at umaalingasang sa bahong second P35 million slaughter house na pinagawa ni Bauzon.
READ MY OTHER ARTICLE:
No comments:
Post a Comment