Friday, May 10, 2019

Bataoil, Castaneda Camps Nagbabatuhan Na


By Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN – Nagkakantiyawan at nagbabatuhan na ng putik ang mga kampo nila Mayor Josefina “Iday” Castaneda at Congressman Leopoldo “Pol” Bataoil ayon sa kanilang mga leaders ilang araw bago mag May 13 mayoralty election dito.
Madiin na pinabulaanan ng supporter ni Bataoil, nang sabihin ni Adiong Tiangson,, "Little Mayor" dito, na galit ang mga pinapunta ni Bataoil, vice mayorship bet Juday Vargas at miyembro ng mga slate nila sa National Unity Party noong grand rally nila na nagsimula ng 6 PM sa plaza noong May 9.
“Inabutan sila ng malakas na ulan at kumaripas na ng takbo paalis sa rally iyong mga taong ni promisahan nila ng P150 kada isa. Hanggang ngayon ay hindi pa nila nababayaran iyong mga hakot nila,” ani Tiangson , ang powerful No. 1 adviser ni Castaneda.

TOUGH POLL - Lingayen Mayor Josefina "Iday" Castaneda and her mayoralty challenger exiting congressman Leopoldo "Pol" Bataoil.

“Hindi totoo iyan! Ang katotohanan ay nag enjoy pa ang mga libo-libong supporters nila cong dahil sumasayaw pa sila sa ulan,” diin ng  source na ayaw magpakilala.

Ayon sa text message na pinadala ng kampo ni Bataoil dito sa writer, sinabi niya na pag siya ang manalo pabubungan niya ang auditorium at aayusin ang drainage system.

Nasaksihan nila gaano kabilis bahain ang Lingayen. Kaya senyales na kapag si mayor Pol ang naupo uunahin nya ang pabubungan ang auditorium para ‘di nababasa ang mga tao at equipment tuwing may okasyon at aayusin ang drainage system ng bayan,” sabi pa ng supporter.
Aniya dapat noon pa naayos iyang mga problema sa plaza dahil iyan ay pagaari ng provincial government pero ayaw nila Mayor Iday at mga members ng Sangguniang Bayan.

Hinarang kasi nila ang pagpapaayos ng Dela Cruz Auditorium kahit nahanapan na ng budget ni Congressman Pol”.
Tinawanan lang ng source ang pag uudyok ng mga supporters ni Adiong Tiangson na siya ang makakalaban ni Bataoil sa 2022 mayorship election pag ginusto pa ng huli na lumaban pa kahit tatalunin siya ni Mayor Iday sa landslide votes sa May 13, 2019.

“70-30 pabor sa amin ayon sa survey ni (congressional candidate) Raul Sison,” ani Adiong.

“Walang background of credibility iyong survey ni Raul paano naging landslide!” tanong ng source.
Iyong survey ni Art Valenzuela na Vox Populi Polls ang scientific,” dagdag ng suporter kahit na sinabi ni Tiangson na kada 32 barangay dito ay kumuha si Raul ng 200 kata-o para tanungin kung sino ang gusto nilang mayor sa May 13.

Sabi ng source na denemanda ni Congressman Bataoil sa Commission of Election (Comelec) ang isang  kapitan dito ni Castaneda dahil sa violation of election laws.

“Binigyan ko na ng abugado na si Attorney Manuel Manuel iyong 14 kapitans na dedemanda ni congressman. Wala iyong kaso na iyon!” wika ni Adiong.
Sinabi ng source na walang katotohanan iyong banat ni Tiangson na inaakit ng kampo ni Bataoil iyong 23 barangay chairmen dito ng kalahating milyong peso para lang tumakbo sa kanilang panig.
“Ha ha ha, hindi totoo iyon!”

Dito ngayon you have to deal at your own. I deal with 32 barangays. Kung hindi mo kakampi iyong barangay captain although they are supposed to be apolitical you will know their inclination. So kung hindi mo kakampi, you have to look for somebody else to help you,” sinabi ni Bataoil sa writer sa isang panayam tungkol sa electoral landscape dito habang nalalapit na ang mayoralty poll.
Sinabi pa ng congressman na 20 of the village chiefs are backing Castaneda, a two term mayor, while he got the loyalty of the 12 barangay chairmen.

“So that is an advantage sa kanila. But I don’t see it as a disadvantage to me because there are so many people na other than those barangay captains who manifested their strong support and many of them are leaders. Kaya we are going to go to the grassroots”.
Noong sinabi ng isang suporter ni Castaneda na nagbibigay ng P1000 kada botante ang kampo ni Bataoil versus sa P300 galing sa Castaneda, tinawanan at pinabulaanan lang ito ng suporter ng solon.

“Anong P300? P500 ang binibigay nila kasama mga tarheta may sample kami doon sa opisina!”
  Ang bayan na ito ay may 66, 286 voters ayon sa November 2018 data na binigay ng Comelec sa writer na ito.
Si Bataoil at Vargas ang binasbasan ng bloc voting sect Iglesia ni Kristo (INC).

Mga 4,000 ang miyembro ng Iglesia dito pero hindi naman lahat diyan bumoboto,“ hirit ni Adiong noong tanungin ng writer kung ano ang masabi niya na nakuha nila Bataoil ang INC.

Ani ng mga political experts, halos sa lahat ng sinusuportahan ng Iglesia ay naka angkla sa result ng independent survey nila kung sino ang nakikita nilang panalo ilang araw bago mag eleksiyon.

READ:


Mayor Castaneda: Nolan Evangelista was the toughest rival


No comments:

Post a Comment