BADZ AGTALAO: Pinag-uusapan po sa balita itong sulat ninyo sa mga government agencies na humihiling po ng kasagutan kung nasaan daw po iyong mga tulong sa mga mahihirap po dahil po sa epekto nitong TRAIN law. Ano po ang latest po dito ma’am?
SEN. GRACE POE: Alam ninyo po, iyon ang nagiging problema dahil ang tataas ng mga bilihin ngayon, tumaas ang presyo ng mga gasolina, krudo at diesel, pati na rin ang bigas. Umaaray ang marami nating mga kababayan kaya sumulat ako sa DSWD, sa Department of Transportation, pati na rin sa Department of Finance na sinasabi, nasaan na ang kaakibat ng TRAIN law na tulong sa ating mga kababayan?

Senator Grace Poe. Photo Credit: Young Entrepreneurs Society Philippines |
Ano ang mga tulong na ito? Ibig sabihin subsidiya para sa public utility jeep, tulong sa karagdagan na apat na milyong pamilya sa unconditional cash transfer program ng gobyerno at kung anu-ano pa. Salamat naman at ang kanilang mensahe ay itong Hunyo ay ipa-finalize na ang listahan ng kwalipikadong makakatanggap nga nitong subsidiya o voucher sa mga drivers ng public utility jeep. Idadagdag din sa mga listahan ng mga kwalipikado sa unconditional cash transfer program, kasama na po diyan ang ating mga senior citizens na walang pinagkukunan ng kabuhayan, at iyong mayroon mga may kapansanan. Ang pinakamahalaga naman, maganda ang proyekto, marami nga tayong imprastruktura, mga kalsada, mga tulay pero kung nagugutom naman at kumakalam ang tiyan ng ating mga kababayan ay parang bigo naman tayo sa ating adhikain. Dapat talagang unahin natin ang mga nangangailangan.AGTALAO: Ma’am, kailan po kayo magco-conduct ng pagdinig po tungkol dito dahil alam naman po natin na ang drivers at operators ay kabilang sa mga dumadaing dahil po sa epekto ng TRAIN law?
POE: Nagkaroon na ako ng hearing sa Iloilo para sa mga kababayan natin sa Visayas na marinig din at saka sa Bicol. Cagayan de Oro naman ang susunod. Siguro bago magtapos ang Agosto ay diyan naman sa Pangasinan sapagkat kailangan naman nating malaman diyan sa Northern Luzon, sa ating kababayan, kung nakakaabot na ba talaga sa kanila ang tulong ng gobyerno. Ang importante mabantayan ng Senado ang pangako nitong mga ahensya na ito sapagkat alam ninyo nag-pafile na tayo ng mas malaking buwis ngayon. Hindi naman pwede na nagbabayad tayo pero ang pangako naman nilang tulong ay di nakakarating.
AGTALAO: Senator maiba lang po ako, dahil naipasa na pala sa Senado ang panukalang batas na pagandahin ang serbisyo ng mga land transportation terminals sa buong bansa gaya po sa mga bus terminals. Ibig po bang sabihin nito, free Wi-Fi na po sa mga stations? Wala na rin pong bayad iyong mga palikuran po?
POE: Alam ninyo dapat iyong mga terminal ng bus, ng jeep, pati na rin mga sasakyang pandagat, nasa batas iyan na ang banyo, ang palikuran dapat malinis, dapat walang bayad. Pangalawa, dapat libreng Wi-Fi sa mga terminals na iyan. Pangatlo, dapat mayroong kwarto para sa mga nanay na may mga sanggol na kailangang pakainin ang kanilang mga anak. Iyong mga bagay na gano’n ang ating itinulak.
AGTALAO: Sana po maging ganap na batas na po ito at makatulong lalo na po sa aming mga taga-probinsya ma’am.
POE: Opo at 'di lamang iyon, naipasa na ito sa Kongreso, hinihintay na lamang po natin ang pirma ng Pangulo. Ang importante po doon, siyempre ang mga turista din, bumibisita sila ng ating bansa para gumastos ng pera nila dito. Kung malinis ang ating mga facilities siyempre ang mga turista mas ma-eengganyong pumunta dahil maayos. Siyempre ‘pag marumi, ayaw mo naman pumunta. Marami po talaga ang ating mga batas na naipasa katulad niyan, ngayon ang mga lisensya ninyo, ‘di na three years, five years na. Kung maayos ka magmaneho, automatic iyan na magiging 10 years ang validity. At saka ngayon, kung mayroong calamity o bagyo o mayroong sakuna, mayroon pong libreng text alert sa inyo na nagsasabi kung nasaan ang baha at kung ano ang nangyari. Iyan po ang isa sa ating mga itinulak at ang pinakamaganda po ay ang libreng pananghalian sa mga batang malnourished, iyan po ay ang pangako ko na naipasa na rin...
AGTALAO: Maraming salamat maam...

POE: Magandang umaga pong muli sa inyong lahat. (30)
No comments:
Post a Comment