Thursday, June 7, 2018

Pangalawang power plant sa Sual suportado ni Pangulong Duterte


Lalong lumakas ang tsansang matuloy ang  pangalawang coal-fired power plant sa bayan ng Sual matapos mag-usap si Pangulong Duterte at President Moon Jae-in ng South Korea nang bumisita ang pangulo sa naturang bansa.
Sa nasabing bilateral meeting, hinikayat ni Pangulong Duterte si President Moon na dagdagan pa ng South Korea ang investment sa Pilipinas,  lalong-lalo na sa energy generation, manufacturing, automotive, food processing at agri-business.
Philippines President Rodrigo Duterte Visits South Korea

PRESIDENTS - President Rodrigo Duterte, second from left, shakes hand with South Korean President Moon Jae-in for a photo opportunity during a recent meeting at the presidential Blue House in Seoul, South Korea.
Naging positibo naman ang tugon ni President Moon at sinabi pa nito na “very special” ang turing ng South Korea sa Pilipinas.

Ayon kay Mayor Roberto "Bing" Arcinue ng Sual, ang mainit na relasyon ng dalawang lider ng bansa ay lalong nagpalakas ng pagkakaton na matuloy ang pagpapatayo sa Sual ng isang state-of-the-art coal-fired power plant.

Matatandaan na isang multi-national company mula sa South Korea ang nagbabalak magpatayo ng modernong coal-fired power plant na nagkakahalaga ng two billion US dollars.
Ang naturang planta ay may generation capacity na 1,000 megawatts.
Ito ay ikinatuwa ni Mayor Arcinue dahil nangangahulugan ito ng dagdag na humigit-kumukulang sa dalawang libong trabaho sa mga mamamayan ng Sual.
Magkakaroon din ng humigit-kumulang na P800 million karagdagang revenue bawat taon para sa probinsiya, sa bayan ng Sual, at Barangay Baquioen na kung saan ipapatayo ang naturang planta ng kuryente.
Sumang-ayon din ang project proponent na bigyan ng discount sa singil ng kuryente ang bayan ng Sual bilang host municipality.
Sinabi ni Mayor Arcinue, sa pamamagitan ng karagdagang pondo na manggagaling sa pangalawang power plant, ipapatupad ng municipal government ang mga mahalagang proyekto tulad ng hospital, seaport, agricultural modernization, expanded scholarship program para sa kabataan, resettlement project para sa lahat ng informal settlers, at iba pa.
Mapalad ang bayan ng Sual dahil ito may malalim na karagatan na siyang hanap ng mga malalaking investors tulad ng power producers, ship building and repair, at international seaport, ayon kay Mayor Arcinue.
Ang bayan ng Sual ay binansagang Energy City of Pangasinan sa pamamagitan ng resolution ng Sangguniang Panlalawigan na suportado ni Governor Amado Pogi Espino III.       (Press Release)

No comments:

Post a Comment