Kaduda-duda
diumano ang motibo ng grupong Save Sual Movement na sa una ay tutol sa
pagtatayo ng isa pang coal-fired power
plant sa bayan ng Sual.
Balitado
na pansamantalang iniurong ng Trans-Asia
Energy Development Corporation-PHINMA ang naturang proyekto at ito’y inaangkin
ng Save Sual Movement na kanilang tagumpay.
Nagtataka
ngayon ang mga residente ng Sual kung bakit walang humpay pa rin ang paninira
ng naturang grupo sa liderato ni Mayor Roberto “Bing” Arcinue.
Matapos
ang power plant project, tinutuligsa naman ngayon ng Save Sual Movement ang
pagpapatayo ng pagamutan para sa mga mamamayan ng Sual, ang pagpapagawa ng
municipal wharf at seaport, maging ang pamimigay ng libreng patubig, binhi at
abuno sa mga magsasaka.
“Malinaw
na politically motivated ang pakay ng Save Sual Movement at hindi ang environmental
protection,” paliwanag ng isang punong barangay na ayaw ng bangkitin ang
pangalan sa takot na gawing ex-kumonikado ng isang pari na kasabwat ng naturang
grupo.
Dahil
sa pag-urong ng Trans-Asia Corporation, nawalan ang bayan ng Sual ng
humigit-kumulang sa P400 million real property tax na sana’y tanggapin ng
municipal government.
Sa
ilalim ng memorandum of agreement na nilagdaan ng municipal government at ng
Trans-Asia, magkakaroon ng tuloy-tuloy na supply ng kuryente ang naturang bayan
sa mas mababang presyo.
Magbibigay
din ng P100 million na grant ang Trans-Asia sa bayan ng Sual, at P10 million sa
barangay Baquioen na kung saan dito sana ipapatayo na naturang planta ng
kuryente.
Muntik
na ring mawalan ng magandang kinabukasan ang walong kabataan na engineering
scholars ng Trans-Asia na pumayag kay Mayor Arcinue na ituloy ang scholarship
grant ng mga ito.
Dahil
sa pangyayaring ito, dalawang beses na pinatawag ng Sangguniang Bayan ang mga
opisyales ng Save Sual Movement upang linawin ang kanilang pakay sa
pagsasalungat sa mga development programs at mga proyekto ng alkalde.
Subali’t
dawalang beses ding hindi sumipot ang mga opisyales ng naturang grupo na
pinamumunuan ng isang Rosanna Tandoc Soriano, kasama ang dating vice mayor ng
Sual na si Alex Rigonan at pari na si Alfred Viernes.
Marami
tuloy ang nanghinala na kung kaya’t hindi sumipot ang mga opisyales ng Save
Sual Movement sa mga naturang public hearing, ay natatakot silang matanong kung
totoong nanghihingi ang mga ito ng donasyon mula sa mga taga-Sual na
naninirahan sa ibang bansa.
“Seguro
natatakot silang mabuking at mapilitang maglabas ng accounting ng perang
tinatanggap nila mula sa aming kababayan
na nasa ibang bansa,” ang sabi pa ng naturang punong barangay.
Lumabas
din ang haka-haka na isa diumano sa mga opisyal ng naturang grupo ang
nagkukunwaring tutol sa power plant, subalit naghihintay lamang na siya ay
ipapatawag para alukin ng datung at manahimik na lamang.
Ito
umano ang kanyang raket kung kaya’t hindi na nakabalik sa government service.
Tulad
siya diumano sa mga pekeng media na kung tawagin ay “Attack-and-Collect” na media.
Itong
dating opisyal ng bayan ay mahilig lumapit sa mga media practitioners at
malimit na napagkakamalang media kuno.
Ayon
sa naturang barangay captain, ginagamit ang media ng nasabing dating
opisyal ng bayan sa kanyang raket na
attack-and-collect. (PRESS RELEASE)
No comments:
Post a Comment