Sunday, June 24, 2018

Ano ang nangyayari sa Prov’l Board?



 By Mortz C. Ortigoza


Napapa-iling lang ako habang pinapakinggan ko ang mga batikang radio commentators sa lungsod at lalawigan natin dito na pinaguusapan ang Small Town Lottery (STL) at ang kanyang Authorized Agent Corporation (AAC) in the Province.   

Ani  Ruel Camba ng DWIZ-FM , tinanong kamakailan ng isang member ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan bakit ang franchisee na Speed Game Incorparated (SGI) ay hindi kumukuha ng business permit sa mga mayors sa province ng Pangasinan gaya  sa isang mga requirements na ini-impose nila sa ng mga traders bago sila mag negosyo.
Members of the Provincial Board of Pangasinan with their governor and vice governor. (Internet grabbed from the website of LGU Pangasinan).


Sinagot si BM ni Mrs. Remeliza Gabuyo, Assistant General Manager for Branch Operations ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO)  na galing pa mismo ng Central Office sa Meynila.

 “Na meron na pong Supreme Court ‘s jurisprudence diyan,” ,” nasambit niya ayon kay Ka Ruel.

“Anak ng bakang dalaga!” Nasambit ko din ng madinig ko ang katanungan ni BM.


Oh common, you’re much better than that question!” Naalaala ko tuloy noong isang buwan ang reaksiyon ng isang fiery host sa Fox TV na si  Judge Jenine Pirro sa isang guest niya na political analyst ng Democrat Party noong ka debate nito ang isang political commentator ng Republican Party.

Ano ba itong si Board Member?!

Hindi naman ito miyembro ng Birthday Party o Democrat Party, o ano mang panties, este, parties.

 Matagal  ng alam ng karamihan dito sa atin ang wisdom ng Congress bakit hindi na kailangan ng PCSO’s franchisee gaya ng SGI na kumuha pa sa mga mayors.

Bukod sa jurisprudence na sinasabi ni Gabuyo sa Section 4 of Republic Act No. 1169 as amended otherwise known as PCSO Charter dapat alam din ni BM na may milyones if not hundreds of thousands na budget ang office niya sa mga staff that included ang researcher who could tell him that it was a law of the land.

Isa pang wisdom nitong batas sa akin lang ay alam ng Congress noong pinasa nilang batas ito na pag idadaan sa mga mayors ang approval ng business permit ng AAC ay sigurado ito ay I ho- hostage nila.

“Magkano sa amin diyan, bago namin kayo bigyan ng permit to operate?  Iyan ang nakikita kong isang dahilan at isang klasing katanungan.

Iyong ibang Board Members, ayon sa news headline ng Manila Times bylined ni Pangasinan son’s the colorful Jaimie Aquino, ay kanilang tinanong si Gabuyo kung nag re-remit ang SGI sa cities and towns as mandated by law.

She likewise commended SGI “for their active role in raising funds” for various government charity work.

 Gabuyo said that on January the SGI management was able to collect total actual sales of P 42,967.299.00 and P86,879.536.00 in February.

 In March, SGI’s collection reached P116,999.622.00 and P95,926,691.00 in April.

Collection in May reached P94,866.675.00.

 “Mabuti pa ngayon may koleksyon ang management ng SGI na nireremit sa tanggapan ng PCSO kumpara sa dating operator na pinalitan nila na wala silang monthly remittance koleksyon” Gabuyo told members of the Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) during the question hour held on June 18”.


“Bakit hindi parepareho ang ingreso  kada buwan sa bayan, lalawigan, at sa mga congressmen” tanong ng isang BM.

Ani Gabuyo hindi parehas dahil may mga panahon na ang manunugal ay naghihirap, nagtatanim ng palay, at tag-ulan” ani Ruel Camba.

In short, kulang ang koleksiyon.

Napahiyaw tuloy ang isang seasoned mayor noong sinabi ko itong tag-ulan na isang dahilan.

Ani  Mayor: “Oo naman siyempre apektado ang pataya kasi tamad na ang kabo o kobradores na ilusong ang kanyang pa-a sa baha baka siya ay ma-alipunga.

Ani ko parang  kasama naming  pangit na media man itong kabo o kobradores, ayaw rin magpabasa sa ulan kasi nagiging si “Gizmo” siya sa Grimlins na movie.

 Si Gizmo ho ay isang character na maliit na monster na galing ibang planeta sa movie na dumadami pag siya ay natatalsikan ng ulan. Kaya ang siste, iyong media man po hindi po si Grimlin, nagmumokmok na lang sa bahay pag kalakasan ng ulan. Takot kasi siyang dumami, dahil may kahati pa daw siya, gaya ng ibang media men, pag pumunta siya sa bolahan ng peryahan, drop ball, tupadahan at iba pang palaro na pumapayagpag sa province.

Mga three weeks ago, nabasa ko sa isang pahayagan na ang Provincial Board ay nagbanta na e Persona Non Grata ang mga miyembro ng PCSO sa Pangasinan at ang SGI dahil sa hindi nila pagdalo ng session.

Why the harsh demeanor? Why the pugnacious character?

Kung tutuusin nga, dahil sa banta ni President Rodrigo Duterte na durugin ang sabwatan ng jueteng lords at mga elected officials and police brass, dahil sa mga tulad ng SGI na franchisee ay lumaki ang collection ng PCSO.

Noong 2016 kung saan ay pumapalo ang operation ang illegal number game jueteng sa administration ni President Benigno Aquino III sa first half of the year, ang kuleksiyon lamang ng PCSO sa STLs all over the country was P39.56 billion.

A report by the National Bureau of Investigation then said STL operators had deprived the government of P50 billion in earnings.

Noong 2017, ng si President Duterte na ang Pangulo, ang kuleksiyon ng PCSO ay P52.9 billlion.

Ani General Manager Alexander Balutan and Editha R.  Romero, PCSO Pangasinan Branch's OIC Manager in Pangasinan sa excerpts of the two PCSO letters addressed to the mayors na ang halagang nakulekta nila ay ginamit para sa:

a)      To raise additional funds for PCSO’s health programs, medical assistance and services, and charities of national character;

b)      To provide funds to various local government units for their health program and medical assistance and services;

c)       To provide an alternative to illegal number game/operation and to aid their eradication; and;

d)      To provide additional opportunities for employment”



Tama si Bombo Ed Abubo noong inuupakan niya ang mga Board Members sa program niya sa Bombo Radyo:

“Noong panahon ng Meridiane ni Atong Ang hindi kayo nagpapatawag ng hearing. Noong panahon ng Rapid Golden Go (former AAC of the PCSO that was disenfranchised last year) hindi rin kayo nag papatawag ng hearing. Ng itong Speed Game na legal, ini-imbistigahan ninyo?!”

“Hmmmm, oo nga ano?” ang akin lamang nasabi sa sarili ko habang pinipihit ko ang transistor radio ko na Made in China, sanamagan!

(Send  comments to totomortz@yahoo.com)

No comments:

Post a Comment