Ang Philippine Military Academy ay magsasagawa ng PMA Entrance Exam na gaganapin sa University of Pangasinan, Dagupan City sa August 21, 2016.
Ayon sa PMA Press Statement, ang naturang entrance examination ay ang kauna-unahang hakbang sa proseso ng pagpili para cadetship sa premyadong leadership training school sa bansa.
Ang mga nais kumuha ng pagsusulit ay kinakailangang natural-born Filipino citizen, may taas na 5 feet, physically-fit , may magandang asal, single at hindi pa ni minsan ikinakasal, high school graduate kung saan ang mga nagtapos ng High School noong 2015, bago ipatupad ang K-12 program , ay maaring mag apply, at walang administrative o criminal case.
Bukod pa sa mga nabanggit, ang mga examinees at ay dapat pumasa ng PMAEE at kinakailangang ipinanganak magmula April 01, 1995 hanggang April 01, 2000.
Ang mga papasa sa naturang pagsusulit ay magiging bahagi ng PMA Class 2021.
Ang mga application forms ay maaaring ma download mula sa www.pma.ph. Maaari rin mag-aaply online sa nasabing website.
Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa (074)447-3686 o sumulat sa Office of Cadet Admission, Philippine Military Academy, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, 2602, Baguio City.
No comments:
Post a Comment