Thursday, August 11, 2016

Mangaldan mayor dinepensa ang “Colonel” vs kritiko


By Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN – Sinagot ng mayor dito ang paratang ng mga kritiko niya na kaya hinde nagpa drug test ang dalawang konsehal  dahil dala ni  Police Superintendent Jackie Candelario ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).
COLONEL: In this file photo, Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (blue blouse) and
 then Mangaldan Chief of Police Supt. Jackie Candelario defended the proposed budget
 for the police before the members  of the Sangguniang Bayan (Council).

PHOTO: MORTZ C. ORTIGOZA

“First of all wala namang reasons why they would be aloft with Colonel Candelario because Colonel Candelario was not the one who was doing the drug testing. It is the PNP Crime. Second, prerogative nila iyan (na hinde mag pa dangerous drug test) ; Pangatlo, sometime pag ikaw ay isang leader ng town and you would like to make an example,” ani Mayor Bona D. Parayno.
Nong Hulyo si Konsehal  Joseph Emmanuel Cera at Konsehal Jojo Quinto ay hinde sumang ayon sa isang drug test na pinangangasiwaan ng SOCO noong sila ay pumunta dito sa Sangguniang Bayan matapos maglabas ng executive order  si Parayno na lahat ng kawani ng local government ay dapat mag pa drug test.
Si Parayno, na nauna sa pila sa drug test, ay nakitaan ng SOCO na negative sa residue ng narcotic sa katawan niya.
Katwiran ni Cera, na isang abugado, ayaw niya at ni Quinto ang drug testing dahil si Candelario, na dating Chief of Police dito, ay siyang nag utos na ipakulong ng mga kapulisan niya si Quinto, kliyente noon ni Cera, noong December 3, 2014.
Si Quinto, dating Barangay Chairman ng Poblacion, ay kinasuhan noon ni Mayor Parayno at ni Candelario ng criminal cases na usurpation of authority or official functions, assault against persons in authority, at resistance and disobedience to a person in authority.
Bago ikulong si Quinto at si Kagawad Melinda Morillo police sa detention cell dito, ay nagkasagutan si Cera at si Candelario sa tamang proceso sa pag aresto sa loob ng barangay hall sa dalawa.
Sinabi ni Cera sa Northern Watch na violation ng human rights niya ang pag drug test sa kanya ng personnel ng crime laboratory na nanggaling pa sa Police Provincial Office sa Lingayen, Pangasinan.
Bagkus ipinakita niya ang medical record na galing sa isang ospital sa Dagupan City na siya ay may magandang health record at negative sa illegal drugs sa kanyang katawan

Sinabi ni Mayor Parayno na bahala na ang taong bayan na humusga sa asal nila Cera at Quinto.

“It’s the people who would say only bakit hinde sila kaagad nag pa submit.  As public official your right to privacy you lost kasi public property ka na”.
Ani Parayno ang karapatan sa right of privacy ng dalawa ay nawala noong maging miyembro sila ng Sangguniang Bayan dito.

No comments:

Post a Comment