Friday, August 12, 2016

2,000 Factory Workers kinailangan sa PESO Job Fair nitong August 12



Dalawang libong job vacancies bilang factory workers ang inalok  ng Provincial Employment Services Office (PESO) sa magkasabay na Job Fair na ginanap sa Pangasinan PESO at sa Senior Citizens’ Bldg., Public Plaza noong August 12, 2016 magmula 8AM hanggang 4PM.

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, isang libong job openings ang inilaan  para sa mga kababaihan na nais magtrabaho bilang  production operators sa Clark Pampanga ang hatid ng kompanyang 3Cs at isang libong vacancies naman ang inalok ng kompanyang Best One para sa mga kalalakihan na nais magtrabaho bilang Production Operators sa Cavite.

Ngunit, ang  naturang Job Fair ay isa lamang sa mga sunod-sunod na Job Fairs  na isinagawa ng PESO magmula August 9 hanggang August 18 ngayong taon.

Noong August 9,isang job fair ang isinagawa ng PESO kung saan ang  Fundline Finance Corporation ay nag bukas ng mga bakanteng trabaho para sa mga nais maging HR Specialist Supervisor, Trainer,  Office staff and clerk sa Pangasinan.

Noong August 10, isa namang job fair para sa mga kalalakihan na nais magtrabaho bilang factory workers, Chef, Bartender, waiters at domestic helper  sa Malaysia sa tulong ng  Alpha Tomo Int’l Manpower services , Inc. ang isinagawa.

Noong ika-10 at 11 ng Agosto, international employment naman ang hatid ng DA Rodrigo Int’l Inc. kung saan ang mga aplikante ay ma dedestino sa bansang Brunei, Malaysia, Dubai, Kuwait at Riyadh, Saudi Arabia bilang domestic helper, beverage maker, kitchen helper, cook, foreman, laborer, etc.

Sa darating na August 15,  ang SkyBourne International Inc. ay mag-aalok ng job vacancies para sa mga nais magtrabaho bilang factory workers sa Taiwan.

Sa naturang Job Fair, mga bakanteng trabaho para sa nais magtrabaho  sa Pampanga bilang  production operators ang bibigyan ng pagkakataon ng kompanyang OneSource.

Bukod sa mga nabanggit, domestic helpers para Hongkong at Caregivers para Malaysia  ang hatid ng Concorde International Human Resource.

Sa August 18, job opportunities sa bansang Japan naman ang hatid ng  PHILASIA para sa mga aplikante na nais maging farmer cultivation metal  sheet worker, finishing interior workers, machinist, metal press worker, ham-sausage-bacon maker, die casting operator, frame worker, , agriculture livestock painter, welder, plumber, farm worker at iba pa ang bubuksan.

Para sa karagdagang mga katanungan, tumungo lamang sa PESO Bldg, sa Alvear Strret, sa bayan ng Lingayen o di kaya ay tumawag sa (075) 542-6211 o mag email sa pesopang@yahoo.com


No comments:

Post a Comment