Friday, August 12, 2016

AFP nagpahayag ng suporta sa kampanya kontra droga ng Pangasinan


 Nagpahayag kamakailan ng  all-out support ang Armed Forces of the Philippines sa  kampanya kontra droga ng Provincial Government of Pangasinan.
        Ito ay ayon kay Col. Milfredo Melegrito, ang pinakamataas na opisyal ng  Armed Forces of the Philippines sa Pangasinan, matapos makipagpulong kay  Governor Amado “Pogi” I. Espino, III noong August 8 sa Urduja House, Capitol Compound.
     Ang 702nd Brigade Commander ay pumayag din sa kahilingan ng pamahalaang panlalawigan na gamitin ang Camp Lt. Tito Abat, ang kauna-unahang Regional Community Defense Group headquarters sa Manaoag, bilang  rehab o boot camp ng mga youth drug dependents kung saan sila ay sasailalim sa  ‘group therapy and renewal’.
     Bukod sa pasilidad, sinabi rin ni Meligrito na maaari rin tumulong ang kanilang mga kawani.
    Para mas marami pang drug dependents ang mapagsilbihan, magtatayo ang Provincial Government ng karagdagang gusali dahil ang pinaplanong drug treatment program ay kayang tumanggap ng 200 youth surrenderees, ayon kay Col. Melegrito.
     Ayon naman kay Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Officer Col. Rhodyn Luchinvar Oro, ang  memorandum of agreement upang ma formalize ang cooperation sa pagitan ng Philippine Army at ng  provincial government para sa  rehab/boot camp program ay binubuo na.

No comments:

Post a Comment