Friday, August 12, 2016

Gov. Pogi: nanawagan para sa ‘solid’ Pangasinan sa kampanya kontra droga



 Nanawagan si Gob. Amado “Pogi” I. Espino, III  sa lahat ng mga bayan at lungsod sa Pangasinan na magkaisa sa kampanya kontra ilegal na droga.
·        Ito ang ipinahayag ng provincial chief executive sa isang panayam pagkatapos ng kauna-unahang Provincial Development Council Meeting sa ilalim ng kanyang pamumuno na ginanap noong August 10 sa Sison Auditorium sa Capitol Compound.
Sa nasabing aktibidad, ipinahayag ni Gov. Pogi ang kanyang mga plano lalung-lalo na sa pagtatayo ng rehab o boot camp bilang mainam na pamamaraan kung paano tratuhin ang mga drug dependents.
   Dagdag pa ni Gov. Pogi, ang panawagan na ito ay isang dahilan na rin kung bakit nagpatawag ng provincial government ng development council meeting upang malaman ng mga bayan at lungsod ang mga plano at programa ng provincial government at magkaroon ng paghahanay ng kanilang plano sa plano ng pamahalaang panlalawigan.   Sa  pag adopt ng bawat bayan at lungsod sa mga programa ng provincial government , mas magdudulot ito ng inclusive growth  para sa lalawigan ng Pangasinan.

No comments:

Post a Comment