Friday, August 12, 2016

Logo-making contest ng Center for Pangasinan Studies (CPS), sinimulan na


·         Isang logo-making contest ang inilunsad ng Center for Pangasinan Studies (CPS) noong July 29.
·         Ito ay ayon sa liham ni Maria Luisa A. Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) chief and CPS secretariat, kung saan nakasaad na ang patimpalak ay bukas na para sa lahat ng mga Pangasinenses, na may edad 18 taong gulang, pataas.
·         Ang mga interesadong makilahok ay maari lamang mag sumite ng iisang ‘entry’.
·         Ito ay isusumite sa CPS Secretariat, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), 1st Floor  Malong Building, Capitol Complex, sa bayan ng Lingayen.
·         Ang deadline ng submission ay nakatakda sa ika 16 ng Setyembre, 2016.
·         Para  makakuha ng Registration Form,  ang mga nais sumali ay tumungo lamang sa tanggapan ng CPS at  PTCAO o alin man sa mga Higher Education Institutions sa Pangasinan tulad ng: University of Luzon (UL), Lyceum Northwestern University (LNU), University of Pangasinan (UPang) Phinma; Colegio De Dagupan (CDD) and Virgen Milagrosa University Foundation (VMUF)
·         Bukod rito, ang lahat ng mga ‘entries’ ay kinakailangang naka ‘digitized format’  o di kaya’y--  naka freehand illustration o drawing.
·         Kalakip ng ‘entry’ ay isang maiksing description o rationale ng bawat bahagi ng disenyo na hindi hihigit sa 500 na salita.
·         Ang disenyo ng logo ay dapat sumasalamin sa vision and mission  ng CPS  at  sa mayamang tradisyon, paniniwala at promosyon ng ecotourism sa Pangasinan.
·         Ang bawat entry ay dapat orihinal na obra at hindi kinopya mula sa disenyo ninuman.
·         Magkakaroon ng pre-judging ng mga entries sa September 21 kung saan sampung disenyo ang pipiliin.

·         Ang sampung disenyo na mapipili ay maaaring makita sa CPS Official Facebook page for information mula Setyembre 23-30, 2016.
·         Ang mananalong entry ay pipiliin sa unang linggo ng Oktubre  para sa Final Judging.
·         Ang magwawagi ay mananalo ng Php10,000, isang tropeo at gagawaran ng certificate of special recognition.
·         Samantala ang nasa pangalawa hanggang pang sampu ay mananalo ng tig php 2,000 at certificate.

No comments:

Post a Comment