Matapos Makahingi si Mayor Caramat ng Diskwento sa mga Taga Gas Station
Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
CALASIAO, Pangasinan – Napagaan kahit papaano ang kalbaryo ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) at mga magsasaka dito matapos malagdaan ng lokal na pamahalaan at mga may ari ng mga gasolinahan na bigyan ng diskwento ang dalawang sektor.
|
PRO-ACTIVE
Calasiao Mayor Patrick A. Caramat (far right top photo) and Vice Mayor Kevin
Roy Macanlalay laud the owners of gasoline stations in the burgeoning town for
giving discount per liter of diesel and gasoline to farmers and members of the Tricycle Operators
and Drivers' Association (TODA) to mitigate their burden on the skyrocketing
prices of fuel due to the war in the Middle East. |
“Pormal na po nating nilagdaan kasama ang mga kinatawan ng mga gasoline station sa ating bayan ang isang Memorandum of Agreement para sa diskwento kada litro ng produktong petrolyo,” ani Mayor Patrick A. Caramat.
Naging posible ang pagsusumikap na ito sa pagtutulungan ng mga mambabatas sa pamumuno ni Vice Mayor Kevin Roy
Macanlalay at ng alkalde.
“Ang inisyatibong ito ay layong bawasan ang
bigat ng gastusin ng ating mga tsuper at bawat pamilyang Calasiaoeño sa gitna
ng krisis sa pandaigdigang merkado ng langis,” paliwanag ni Caramat sa kanyang Facebook
Page.
Mananatili ang
diskwento simula Abril 1 hanggang matapos ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at
bumalik sa normal ang presyo ng mga petrolyo sa merkado.
Pinasalamatan ni
Mayor Caramat ang mga mambabatas ng bayan at mga may ari ng mga gasolinahan sa
hakbangin kung paano mapagaan ang krisis na kasalukuyan na nagpapabigat sa
kanyang mga nasasakupan.
Aniya mag-antay lang
muna ang ibang sektor dahil gagawan din niya ng paraan kung paano masosolusyunan
ang kanilang sitwasyon.
“Nauunawaan po namin na lahat ay dumadaan sa hirap
ngayon. Sa kasalukuyan po, may mga sektor muna na inuuna pero mahalaga po ang
inyong punto, at ipinararating po namin ito para sa posibleng pagpapalawak ng
programa upang mas marami pa ang matulungan,” sagot niya sa Facebook sa isang nagkumento.
Samantala, mino-monitor
ng Public Order and Safety Office (POSO) ang minimum fare na sinisingil ng mga
tricycle drivers dito para sa proteksyon ng mga mananakay.
May 24 na mga
barangay ang landlocked na first class na bayan na ito.
Nagsimula ang
kalbaryo ng mga Pilipino sa pagtaas ng presyo ng langis noong Marso 3, 2026
noong inatake ng Estados Unidos at Israel ang Iran noong Pebrero 28 na
nagresulta sa mga lingguhang "big-time" price hikes.
Dahil ang bansa ay nag-aangkat ng halos 98% ng pangangailangan sa langis, direktang naaapektuhan ang presyo ng gasolina, diesel, at kuryente. Ang mga pagtaas na ito ay nagtulak sa pagdeklara ng State of National Energy Emergency ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. (Basahin dito ang kung ano ang State of Emergency:National Emergency ni Marcos
No comments:
Post a Comment