Sunday, March 29, 2026

Ang Pagiging 1st Class ni Mapandan sa 2029

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

MAPANDAN, Pangasinan – Pagtuloy-tuloy ang P200 million above na annual appropriation budget (AAB) ng third class na bayan na ito hanggang sa taong 2028, maging first class town na siya sa taong 2029.


For the first time merong P218, 209, 788.00 AAB ang maliit na bayan na ito ngayong taon.

Ang karamihan sa budget na ito ay nangagaling sa National Tax Allotment (NTA) – na dating Internal Revenue Allotment (IRA). Base ito sa 40% ng kabuunang tax collection sa buong bansa ng pambansang gobyerno gaya sa Value Added Tax (VAT), custom tax, at iba sa buong taon.

Ang local taxation ni Mapandan ay nanggagaling sa real property tax (RPT), local business tax (LBT), transfer of real property ownership, professional tax, at amusement tax.

POISES TO BE 1ST CLASS. Members of the Fourth Estate pose with Mapandan Mayor Karl Christian F. Vega at the provincial legislative body in the Capitol in Lingayen, Pangasinan. The Hizzoner and his elective officials are there to defend their P218, 209, 788.00 annual appropriation budget (AAB) for this year. This is the first time the third class town has breached the P200 million budget. Based on law, if the rustic town continues to have this budget, it will be catapulted to the status of a first class in 2029. From left to right in the photo: The Capitol Post Editor-in-Chief Ruel Camba, Mayor Vega, and Northern Watch and 101 Talk Radio Chief Mortz C. Ortigoza.

Nakakatulong ang local na mga buwis sa classification ng bayan na ito para malaktawan ang pagiging second class at lumundag siya sa pagiging first class.

Ang alokasyon ng NTA sa bayan na ito ay hango sa pormula kung saan 50% population, 25% Land Area, at 25% Equal Sharing.

Ang bayan na ito ay merong 15 na mga barangay at siya ay dating malaking barrio ni Mangaldan – isa sa walong pinakamayaman na bayan sa 44 municipalities sa Pangasinan.

Bukod sa AAB ngayong taon, ang munispyo ay nakaapat na mag-supplemental budget noong taong 2025 na ₱15,046,789.90, ₱1,350,334.00, ₱3,880,651.83, at ₱1,495,180.06.

Ang mga munisipalidad sa Pilipinas ay inuuri sa lima na klasipikasyon (ika-1 hanggang ika-5 na klase) base sa kanilang katamtamang taunang kita (average annual income) sa nakalipas na tatlong taon ng pananalapi na itinatakda ng Department of Finance (DoF). Ang mga bracket ng kita na ito na nagkakahalaga mula sa mahigit ₱200 milyon para sa ika-1 klase hanggang sa mas mababa sa ₱90 milyon para sa ika-5 klase, ang nagtatakda ng kanilang pondo at katayuang administratibo. 


Sa ilalim ng updated classification ng DoF, ang mga munisipyo sa buong bansa ay naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng kanilang mga kita:

* 1st class – P200 million or more

* 2nd class – P160 million to less than P200 million

* 3rd class – P130 million to less than P160 million

* 4th class – P90 million to less than P130 million

* 5th class – less than P90 million

Ang kasalukuyang alkalde ng bayan na ito ay ang second term na mayor na si Karl Christian F. Vega. Ang vice mayor ay si Anthony Penuliar. Ang mga mambabatas ng bayan ay sina Alice Marinao, Bang Biagtan, Blando Quinto, Federick Lalas, Michael Calimlim, Freddie Penuliar, Pak Eric Parayno, at Gem Castro.

Merong 27, 556 mga botante (2025), 38, 228 populasyon (2024 Census), at 30.00 square kilometers ang landlocked na bayan na ito sa Third Congressional District ng Pangasinan.

__________

WRITER is the Editor-in-Chief of Northern Watch Newspaper and a Professor of Political Science.

No comments:

Post a Comment