Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
DASOL, Pangasinan – Ang progresibong first class na bayan na ito sa western Pangasinan ay may P241, 964, 934.00 na budget para sa taong 2026.
Ani Mayor Rizalde “Sadong” J. Bernal na isinalang noong Marso 11 ang nasabing pondo sa mga mambabatas ng lalawigan sa Kapitolyo sa Lingayen para sa kanilang pagsusuri kung itong P242 milyon na pondo ay tugma sa mga batas sa bansa nang gawing Resolution ito dito.
“Layunin ng pagdinig na ito na maipresenta at
maipaliwanag ang ating inihandang budget para sa bayan, na siyang susuriin ng
Sangguniang Panlalawigan bilang bahagi ng proseso ng pag-apruba. Tinitiyak
natin na ang bawat pondo ay maayos na nakalaan para sa mga programang
makakatulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at sa kapakanan ng bawat
Dasolan,” ani Mayor Bernal sa kanyang Facebook Page.
Aniya, kasama niya
si Vice Mayor Edgardo Fontelera at mga miyembro ng Sangguniang Bayan para idepensa
ang bagong budget nila.
May annual
appropriation budget ang bayan na ito -- na kilala sa industriya ng table salt –
na P212,060,248.73 noong isang taon. Nag-supplemental budget pa ito ng P20, 209,
355. 84 sa nasabi ring taon.
“Patuloy nating isinusulong ang maayos, transparent, at responsableng pamamahala ng pondo ng ating bayan,” dagdag pa ni Mayor Bernal.
Sa ilalim ng updated
classification ng Department of Finance, ang mga munisipyo sa buong bansa ay
naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng kanilang mga kita:
* 1st class – P200
million or more
* 2nd class – P160
million to less than P200 million
* 3rd class – P130
million to less than P160 million
* 4th class – P90
million to less than P130 million
* 5th class – less
than P90 million
Merong labing walong
barangay ang bayan na ito na isa sa kinikilalang mayaman na munisipyo sa First
Congressional District ng Pangasinan.
No comments:
Post a Comment