Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
BUGALLON, Pangasinan – Nagniningning ang bayan na ito sa pagiging isa sa pinakamayaman sa 44 munisipyo sa dambuhalang lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan na taunang budget sa kanyang local na pamahalaan.
Ang bayan na ito ay may kasalukuyang P410, 823, 947annual appropriation budget (AAB).
Ganito kalaki ang pondo niya dahil sa kanyang National Tax Allotment (NTA o dating Internal Revenue Allotment (IRA)) na galing sa buwis na nakukulekta ng pambansang pamahalaan tatlong taon base sa utos ng Local Government Code.
Ang NTA para sa kasalukuyang taon ng pananalapi ay kinakalkula
batay sa aktwal na pambansang koleksyon ng buwis mula sa ikatlong taon ng
pananalapi bago ang kasalukuyang taon. Halimbawa, ang 2026 NTA ay batay sa mga
aktwal na koleksyon mula 2023.
Base ito sa 40% ng kabuunang tax collection gaya sa Value Added
Tax (VAT), custom tax, at iba sa buong taon.
Ang bahagi ng NTA ng mga local government units sa buong Pilipinas gaya ng munisipyo ay 50% population, 25% Land Area,
at 25% Equal Sharing.
Kasama na dito sa halos P411 milyon na AAB ang local na buwis na
nangagaling sa real property tax (RPT), local business tax (LBT), transfer of
real property ownership, professional tax, at amusement tax.
May 76,027 populasyan (2024 Census) at may 189.64 square
kilometer ang landlocked na bayan na ito sa Second Congressional District sa
Pangasinan.AUTHOR (extreme right), Mayor William Dy (2nd from right) and his lawmakers.
HIGANTENG MGA SOLAR PLANTS
Noong sinang-ayunan ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan at
nilagdaan ni Mayor William Dy ang conversion ng lupain from agricultural to industrial ng 3 Barracuda Energy Corporation sa ilalim ng Singapore Vena Energy Company
at MGreen (of Meralco PowerGen) na magpapatakbo ng 650 megawatt solar
power plants sa 600 ektaryang nasasakupan ng mga barangay sa Cayanga, Salomague Norte, at Salomague Sur at
idagdag pa dito ang napipintong pag-aproba sa 600 megawatt sa Ixus Solar Energy
Corporation sa 600 ektaryang nasasakupan ng mga barangay ng Gueset at Laguit
Padilla.
"Mayroon pa kaming 600 hectares na di pa na
convert (from agricultural) to industrial sa ibang barangays," ani
Mayor Dy sa writer na ito noong magkita sila sa opisina niya noong Pebrero 2026.
Kung ang maliit na may 38,625 kataong Sual town na host ng 1,200
megawatt coal power plant ay merong P510 million budget ngayong taon at base sa
“Rule of the Thumb” kalahati niyan o P255 milyon ay galing sa business tax na
binabayaran kada taon ng subsidiary ng San Miguel Global Power sa kanya, ang bayan ng Bugallon ay nakikinita ng
writer na ito na maging benepisyaryo ng mahigit P255 milyon dahil sa mas malaki
ang megawatt niya at sa kasalukuyang krisis sa langis na hinaharap ng mundo at
pinangangambahang magpamahal sa presyo ng kuryente sa bansa.
Ang Rule of the Thumb dito ay pagdating sa taong 2028 kung saan
fully operational na ang 1,250 megawatt at meron ng hypothetical na 450 million
na budget ang Bugallon, ito ay nakikinitang magkakamal ng P725 milyon na annual
appropriation budget.
P450 milyon 2028 budget plus P260 milyon buwis galing sa 3
Barracuda at Ixus Solar Energy Corporation equals P710 milyon.
Tumataginting na pondo na kakaingitan ng karamihan ng mga mamayan at mga opisyales sa mga bayan sa buong Pilipinas.
Magkano ang mga budget ngayon taon ng walong bayan sa
Pangasinan na napapangalan na Half-a-Billion Pesos Club dahil sa kanilang AAB
ng di bumababa sa P500 milyon kada taon?
Bayambang (P637, 691, 050), Malasiqui (P609, 290, 748), Mangaldan (P539,
035, 506), Lingayen (P531, 290, 646), Calasiao (P517, 181, 838), Sta. Barbara
(P510, 000, 000), Binalonan (P750 million), at Sual (P505, 000, 000).
Kahit magdadag pa ng P50 milyon sa taong 2028 ng mga budget ang
kada isa mga nasambit na mga bayan, halos karamihan sa kanila ay tatalunin ng
24 barangay na Bugallon sa laki ng budget niya pagdating sa taon na iyan.
“How
times fly, noong alkalde pa si Mayor Rodrigo "Ric" OrduΓ±a noong
mga dekadang 2000’s at 2010’s kung saan ako’y napapasyal sa bayan ninyo, third
class to second class town pa iyang Bugallon hanggang sa naging first class
town. Ngayon nagbabudget na kayo ng P410 million. Marami kayong tinalo na mga
bayan na matagal ng first class dito sa Pangasinan,”
ani ng writer na ito kamakailan kena Mayor Dy at mga miyembro ng Sangguniang Bayan
na nagaantay ng “Review” ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa lounge
ng Vice Governor’s Office.
No comments:
Post a Comment