Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Ang Pilipinas ay nahaharap sa lumalaking problema sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan habang ang mga tagapamahala ng pondo sa ibang bansa ay patuloy na lumilipat ang atensyon sa ibang lugar. Isa sa mga nangungunang ehekutibo sa pamumuhunan sa bansa ang nagbabala na ang Pilipinas ay halos naging "hindi na mahalaga" o "negligible" sa paningin ng ilang pandaigdigang mamumuhunan.
“𝐇𝐀𝐋𝐎𝐒 𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀”? Nagbabala ang Presidente ng BDO Capital na si Ed Francisco habang iniiwan ng mga dayuhang mamumuhunan ang Pilipinas."
ITO ANG AKING “TAKE” BAKIT LAOS ANG
PINAS:
Ang average na presyo ng kuryente sa
Pilipinas ay umabot sa ₱12.43 bawat kilowatt-hour (kWh) noong Hunyo 2026, na
siyang naglagay dito bilang pinakamataas o pinakamahal sa buong Southeast Asia.
Ayon sa Google Search ang mga presyo
ng kuryente kada kilowatt sa mga kasapi nating bansa sa Association of Southeast
Asian Nation (ASEAN) ay napakababa kaya madami ang mga foreign investors na
namumuhunan doon:
Pilipinas: ₱12.43
Thailand: ₱7.41
Indonesia: ₱5.31
Vietnam: ₱5.17
Malaysia: ₱3.34
Bakit mas mababa ang singil nitong apat na
bansa kada kilowatt-hour (kWh) sa kanilang nasasakupan:
- Subsidiya
ng Gobyerno (Government Subsidies):
Hindi tulad sa Pilipinas na sinisingil ang tunay na halaga ng kuryente nang walang direktang tulong pinansyal mula sa estado, ang mga gobyerno sa Malaysia, Thailand, Vietnam, at Indonesia ay nagbibigay ng malalaking subsidiya at price caps para pababain ang gastusin ng mga konsyumer. - Likas
na Yaman at Sariling Enerhiya (Domestic Energy Resources):
Ang Indonesia ay isa sa mga pinakamalaking exporter ng uling (coal) sa buong mundo kaya mura ang kanilang krudo at uling para sa power plants. Ang Malaysia at Thailand ay may sarili ring reserba ng natural gas, habang ang Vietnam ay sagana sa murang domestic coal at hydropower. - Pag-aari
o Kontrol ng Estado (State-Owned Utilities):
Sa mga bansang ito, kadalasang hawak o kontrolado ng gobyerno ang mga pangunahing kompanya ng kuryente (tulad ng Electricity Generating Authority of Thailand o EVN sa Vietnam). Dahil hindi ito nakatutok sa tubo (profit) ng pribadong negosyo, mas madaling maibaba at maikontrol ang taripa. - Mababang
Buwis at Regulasyon:
Mas mababa ang ipinapataw na buwis at mga singil na ipinag-uutos ng pamahalaan sa mga bayarin sa kuryente kumpara sa mga buwis, tulad ng value added tax (VAT) at iba pang lokal na singil, na kasama sa mga binabayaran sa Pilipinas.
Ang isa pa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nag-aatubili o umiwas ang mga banyagang mamumuhunan (foreign investors) sa Pilipinas ay hawak ng mga oligarkiyang Pilipino (gaya nila Aboitiz Group (Aboitiz Power, San Miguel Corporation (San Miguel Global Power), Lopez Group (First Gen Corporation), Metro Pacific & Meralco Group (MGen PowerGen), Ayala Group (ACEN), at Enrique Razon Jr. (Prime Infrastructure / More Electric and Power)) ang 60 porsyento ng pagmamay-ari sa bawat industriya habang ang mga dayuhang mamumuhunan na may malalaking pondo ay nailalagay lamang sa pagiging minoryang may-ari. Naging kaugalian na ito mula pa noong unang panahon gaya ng itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Dito sa apat na bansang nasambit ko
kasama na ang pinakamayaman sa ASEAN na si Singapore at isali na rin natin ang
ikalawalang pinakamayaman sa mundo na si China, ang industriya ay pwedeng
pagmamay-ari ng foreign investor kaya dagsa ang mga dayuhan sa mga bansang ito
habang nilalangaw ang laos na bansa nating Pilipinas sa mga mamumuhunan.
Dahilan na maraming walang trabaho dito.
PLEASE LIKE AND FOLLOW MY BLOG.
____________________
WRITER is a political science and economics professor.
No comments:
Post a Comment