Wednesday, December 11, 2024

Bona sa mga Kritiko: Walang Ghost Workers, Anomaly sa mga Gamot

 

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Binira ng babaeng alkalde dito ang mga kritikong bumabanat sa kanya kahit wala silang mga basehan.

Matapang na hinamon ni Mayor Bona Fe D. Parayno ang mga detraktors niya na nagtatago sa mga pekeng account sa social media kung meron siyang pinapanatiling mga ghost employees at wala nang mga gamot sa rural health unit (RHU).

LARAWAN ni Mayor Bona Fe D. Parayno (pinaka-kaliwa) noong pinangunahan niya ang LGU Mangaldan’s 22nd Flag Raising sa Brgy. Nibaliw na naganap ngayong buwan. Kasama sa pagtaas ng bandila ay ang “Serbisyong Matibay, Walang Kapantay” na programa ng alkalde para sa kanyang nasasakupan. (Photo PIO-Mangaldan)

“Sabi nila may mga ghost employee so bakit hindi nila bisitahin ang Human Resource Management Office na may records doon. Pumunta sila doon kaysa maniwala sa mga naririnig nila,” mariin niyang binanggit.

Marubdob din niyang pinasisinungalingan ang mga kritiko na nagpapakalat na wala na daw mga gamot sa RHU para sa mga dahop dito.

“Tanungin ninyo ang mga doctors (doon sa RHU) dahil may mga records doon,” sambit ni mayora.

Dagdag pa niya na mahigit P12 million ang mga biniling gamot, bitamina, laboratory supplies, at mga kagamitang medikal para sa RHU ngayong 2024.

Noong State of the Municipal Address (SOMA) niya noong Nobyembre 30, 2024 sa Municipal Public Auditorium alinsabay sa pagdiriwang ng kanyang ika-65 na kaarawan, pinasalamatan muli ni Mayor Parayno ang mga botanteng nagluklok sa kanya noong May 9, 2022 eleksyon matapos makuha niya ang 28, 466 na mga boto laban sa dalawa niyang katungali na nakakuha lamang ng 18, 276 at 11, 948 bawat isa.

Sentro ng kanyang talumpati sa SOMA ay ang kalagayan ng primerong klaseng bayan at isa sa pinaka progresibo sa Pangasinan sa mga naisulong na niyang programa at proyekto sa loob ng isang taon at ang mga nakinbinbin at gagawin pa niyang mga plano sa susunod na taon.

Napipintong maglalaban si Parayno at Vice Mayor Mark Stephen Mejia at dating alkalde Marilyn Lambino para sa pagka alkalde dito sa Mayo 12, 2025 eleksyon.

Sunday, December 8, 2024

Arsenal of Toppled Syrian Regime Shames our PAF

By Mortz C. Ortigoza

The government of President Bashar al-Assad Assad fell Sunday afternoon after capital city Damascus was overtaken by the rebels who earlier took with speed the cities of Allepo, Hama, and Homs according to Al Jazeera English. Although the spoils of the civil war would be divided by the armies of the Syrian Arab Republic and allies, the Syrian opposition and allies, Al-Qaeda and affiliates, Islamic State, and the U.S and Israel allied Kurdish Syrian Democratic Forces (that controls 40 percent of Syria), I still envy the former Syrian Air Force compared to the pathetic inventory of the Philippines Air Force.

LIGHT AND SUPERIOR FIGHTERS. (Top photo and clockwise): FA-50 jets near a hangar in Clark Air Base in the Philippines; 2nd photo: Philippines Air Force's FA-50 light fighter (left) and the United States Air Force's F-16 multiple-role jet during the Cope Thunder 2024. Foreground are the author and the Cope's Marshall F-16 pilot Captain Jonathan Phase. 3rd photo: The Sukhoi Su-24 (NATO reporting name: Fencer) is a supersonic, all-weather tactical bomber developed in the Soviet Union. The Syrian Air Force possesses 18 of them. The aircraft has a variable-sweep wing, twin engines and a side-by-side seating arrangement for its crew of two. It was the first of the USSR's aircraft to carry an integrated digital navigation/attack system.


Syria got these dedicated multi-role fighter Soviet and Russian made jets: 50 Mig 21 fighter/interceptors (15 however were taken by Syrian opposition forces before the downfall this afternoon), 87 Mig 23 fighter-bombers (9 however were captured by the same rebel groups before the downfall this afternoon), 2 Mig 25 interceptors, 29 Mig 29 multi-roles, 39 Sukhoi Su-22 fighter-bombers, and 18 Sukhoi SU 24 fighter-bombers.
The Philippines – sigh, sigh, sigh! -- contended itself with the 12 light fighter and trainer South Korean made FA-50s.
In the last Cope Thunder 2024-held on April 11 this year at Basa Air Base in Pampanga, I asked the Gringos, err, the Americans and the Filipino pilots their take on the comparison of the United States Air Force (USAF) six F-16 C/D Block50 versus the Philippines Air Force (PAF) six FA-50 after their one- hour maneuver at the South China Sea.
My first question in the middle of the scorching sun brought by El Nino on that day was about the limitation of the FA-50PH light attack fighter compared to the capacity of the F16 C/D Block 50 dubbed too as Wild Weasel because of their homing anti -radiation missiles against radar and missile batteries of the enemy.
“In your air-to-ground exercise, are there limits with the FA-50 compared to the superiority fighter’s F-16?” I posed to the two USAF pilots and two PAF pilots.
Despite the interfering noises of the engines of the taxiing supersonic jets of the two countries 200 meters away at the P3.7 billion renovated tarmac and runway funded by the U.S through the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), a Major from the PAF answered me while other local and international reporters converged at the hilly area wait for their turn to ask their respective questions.
“As of now we are on the first phase of our (inaudible) training and all of the (inaudible) of the air-to-surface of the training will be due in succeeding days. So basically we could not say with regards to the (inaudible) of the aircraft,” he said by failing to answer my comparison to the two jets.
The F-16 Block 50 carries, according to F-16.net, the AIM-120 AMRAAM, the new AGM-65G Maverick missile and the PGU-28/B 20mm cannon round. The Block 50/52 is capable of carrying the new Joint Direct Attack Munitions (JDAM), the AGM-154A/B JSOW and is the first F-16 version to integrate the AGM-84 Harpoon antishipping missile. The AGM-137 TSSAM stand-off attack missile was also foreseen in its weaponry, but subsequently cancelled. The aircraft can launch the Harpoon in line-of-sight, bearing-only, and range/bearing modes.
Moreover, it gives the F-16 a significant standoff range anti-shipping capability, especially when combined with optional 600-gallon fuel tanks.
The 12 Wild Weasel’s F-16s Block 50 brought by the Yanks in the Philippines early this year were equipped with homing anti -radiation missiles, I mentioned earlier, that could destroy those radar and surface to air missile (SAM) sites of the Chinese in the Spratly Islands. Its maximum short-endurance speed: Mach 2.05 (1,353 mph) at 40,000 feet. Maximum sustained speed Mach 1.89 (1247 mph) at 40,000 feet. Tactical radius (hi-lo-hi interdiction on internal fuel with six 500-lb bombs) 360 miles. Maximum ferry range at 2,450 miles with maximum external fuel (excluding 600 gallon).
The PAF FA-50, on the other hand, is equipped only with (Guided Bomb Unit) GBU-12 Paveway II laser guided bombs, AGM-65G2 Maverick AGMs, and the AIM-9L/I-1 Sidewinder air-to-air missiles (AAMs). FA-50 is powered by a General Electric turbofan engine for a top speed of 1,852 kilometers (1,150 miles) per hour. It is armed with a three-barreled gun, air-to-air and air-to-ground missiles, and guided-precision bombs and munitions. According to Wikipedia: It has enhanced avionics, a longer radome, and a tactical datalink. It is equipped with a modified Israeli EL/M-2032 pulse-Doppler radar with Korean-specific modifications by LIG Nex1. The engine could be either Eurojet EJ200 or General Electric F414 with thrust of 89 to 98 kN (20,000 to 22,000 lbf), roughly 12–25% higher than the F404's thrust.
It has a range of 1,000 nm (1,850km) or short by 1,450 miles’ ferry range of the F-16.
For me: The FA-50 is not intended for hard maneuvering that an F-16 can do. It is not inherently aerodynamically unstable like an F-16 and does not possess the agility or thrust to weight ratio of the U.S made aircraft.
My other poser to the two PAF pilots was when would the Philippines’ government procure full-pledged multiple fighter jets like the F-16 Viper or the Sweden made Jas 39 Gripen.
TV-5 and ABS-CBN, whose reporters braved those blistering sun, used in their national news the answers of these two questions. I don't know if those international news outfits used the same.

Friday, December 6, 2024

Mga Bagong 1st, 2nd, 3rd Class Towns sa P’sinan

 Ni Mortz C. Ortigoza

DAGUPAN CITY – Dalawanpu’t-apat (24) na mga bayan sa Pangasinan ang pina-angat sa reclassification ng Department of Finance (DoF) sa first, second, third, at fourth classes sa utos ni Secretary Ralp Recto dahil sa paglubo ng kanilang mga kita sa huling tatlong taon bago ang muling pag-uuri ngayong 2024.

CHIEF EXECUTIVES of newly reclassified towns in Pangasinan: (From top left and clockwise) Tayug Mayor Tyrone Agabas, Urbiztondo Mayor Modesto M. Operania, Basista Mayor Jolly “J.R” Resuello, and Bani Mayor Facundo O. Palafox, Jr.


Ang mga bagong first class municipalities ay ang Aguilar (galing sa 3rd class), Alcala (galing sa 3rd class), Asingan (galing sa 2nd class), Balungao (galing sa 4th class), Bani (galing sa 2nd class), Bugallon (galing sa 2nd), San Jacinto (galing sa 3rd class), Sison (galing sa 3rd class), Tayug (galing sa 3rd class), at Urbiztondo (galing sa 3rd class).

Ang mga bagong second class municipalities ay ang Agno (galing sa 3rd class), Anda (galing sa 3rd class), Dasol (galing sa 3rd class), Infanta (galing sa 3rd class), Laoac (galing sa 4th class), Mabini (galing sa 3rd class), San Quintin (galing sa 3rd class), at Sta. Maria (galing sa 4th class).

Ang mga bagong third class municipalities ay ang Basista (galing sa 4th class), Bautista (galing sa 4th class), Burgos (galing sa 4th class), Labrador (galing sa 4th class), at Natividad (galing sa 4th class).  

Ang nag-iisang bagong angat na 4th class town ay ang Santo Tomas na nanggaling sa pagiging 5th class.

Merong 44 bayan at 4 lungsod ang higanteng first class na lalawigang Pangasinan.

Ang Department Order No. 074, Series of 2024, ng DOF ay nilagdaan ni Secretary Recto noong ika-5 ng Nobyembre 2024 kung saan binalangkas niya ang income classifications of provinces, cities, at municipalities base sa average annual regular income sa huling three fiscal years bago ang general income reclassification ngayong taon.

Sa ilalim ng updated classification, ang mga munisipyo ay naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng kanilang mga kita:

* 1st class – P200 million or more

* 2nd class – P160 million to less than P200 million

* 3rd class – P130 million to less than P160 million

* 4th class – P90 million to less than P130 million

* 5th class – less than P90 million

Ang pag reclassify ng mga lalawigan, lungsod, at bayan ayon sa DoF ay nakabase sa regular sources nila gaya ng local na kita at National Tax Allotment (NTA) (dating Internal Revenue Allotment o IRA), bahagi sa national wealth gaya ng excise tax sa tobako, incremental na kuleksyon sa Value Added Tax (VAT), at gross income tax na bayad ng mga may ari ng mga negosyo sa Special Economic Zone.

Hindi kasali dito ang mga non-recurring, kita sa pagbenta ng mga asset ng local government unit, miscellaneous income/receipt. at iba pa.

NOTE: Sa mga gustong malaman ang basehan ng mga kita at listahan ng mga na reclassified na mga provinces, cities, at municipalities 2024, PLEASE CLICK HERE:

Thursday, December 5, 2024

Manaoag Mayor Nakipagpulong sa Batikang Urban Planner

MANAOAG, Pangasinan - Muling nakipagpulong ang alkalde ng first class town dito kay 𝗗𝗿. 𝗡𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 "𝗗𝗶𝗻𝗸𝘆" 𝘃𝗼𝗻 𝗘𝗶𝗻𝘀𝗶𝗲𝗱𝗲𝗹, isang kilalang arkitekto, environmental planner, at eksperto sa urban development.


Sa kanilang muling pagkikita, inilahad ni Mayor Jeremy Agerico "Doc Ming" Rosario ang kanyang mga karagdagang plano para sa mas mas sustainable at inklusibong kaunlaran ng bayan.
Samantala, personal namang iniabot ni Dr. Einsiedel ang isang librong may pamagat na, "𝙈𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙊𝙪𝙧 𝘾𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 𝙒𝙤𝙧𝙠, 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙊𝙪𝙧 𝘾𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙤𝙬𝙣𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 𝙈𝙤𝙧𝙚 𝙀𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩𝙞𝙫𝙚𝙡𝙮," na mismong siya ang sumulat at may-akda.
Ani Rosario: "𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘋𝘳. 𝘷𝘰𝘯 𝘌𝘪𝘯𝘴𝘪𝘦𝘥𝘦𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢. 𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘱𝘪𝘴𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯."
Ang patuloy na ugnayan nina Mayor Rosario at Dr. von Einsiedel ay nagpapakita ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan habang pinapanatili ang balanseng pag-unlad ng kapaligiran at ekonomiya.

Sining, Kultura ng P'sinan Ipinagdiwang sa "1st" Mural Arts Instl. ng Kapitolyo

Pormal nang inilunsad ang Mural Art Installation sa Capitol Beachfront nitong December 2.

Ang Mural Art Installation, na tanda ng malalim na pagpapahalaga sa sining at kultura ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ay bahagi ng Paskuhan sa Kapitolyo 2024.
Ang paglulunsad ay pinangunahan ni First Lady at Paskuhan sa Kapitolyo 2024 Honorary Chairperson Maan Tuazon-Guico at Vice Governor at Committee on Education, Culture, and Arts Chairperson Mark Lambino.

Ang makulay na mural art na binuo ng mga mag-aaral mula sa Pangasinan Polytechnic College (PPC) ay gumamit ng Baybayin writing system para ipinta ang mga salitang "PANGASINAN ANG GALING." Layunin ng proyekto na ipamalas ang talento ng mga kabataang Pangasinense at palakasin ang kamalayan ng publiko sa sining at kultura ng lalawigan.

Taob ang 15 Taon ng mga Espino kay Guico

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Tinaob ng mahigit dalawang taong panunungkulan ng Guico Administration ang 15 taong serbisyo ng dalawang Espino kung pag-uusapan ang health care service.


Ayon sa graph na inilabas ng isang Facebook Page na may pamagat PaPogi versus Super Mon, nalunod sa galing ang pamunuan ni dating gobernador Amado Espino, Jr at ng kanyang anak at kapangalang si dating Gob. Pogi kung saan meron lang silang nabili na ultrasound machines (5), X-Ray Machines (11), CT Scan (0), at MRI Scanner (0) sa 14 ospital na pag-aari ng lalawigang pamahalaan. Sa ilalim ni Governor Ramon “Monmon” Guico III ay merong ultrasound machines (22), X-Ray Machines (19), CT Scan (6), at MRI Scanner (1).

“In my more than two years as governor in my first term, we were able to have more than 400 something employees for our hospitals. Mga doctors, nurse, medtech, pharmacist at mga support admin staff. Nakabili po tayo ng mga equipment diagnostic equipment,” mga binitawang salita ni Guico taliwas sa patutsada ng matandang Espino noong press conference sa Riverside Resort and Restaurant sa Bugallon, Pangasinan na dalawa na lang ang dialysis machine na ginagamit sa kasalukuyan kumpara sa labing apat na binili nila noong namamayagpag pa sila sa kapangyarihan.

“Nagtayo ipinatayo dito ng dialysis center pinangalanan natin kay Mayor Julian Resuello (sa) San Carlos City na balita ko dadalawa na lang ang dialysis machine na tumakbo, labing apat iyan,” sambit ng amang Espino sa mga tagasuporta noong ipinahayag ang pagtakbo muli kontra kay Guico ni Pogi sa 2025 eleksyon.

Pinasisinungalingan ni Guico na noong panahon nila Espino ay mas naalagaan ang mga mahihirap na pasyente dahil sa Point to Payment at No Balance Billing dahil sa insurance ng PhilHealth.

“Ibig sabihin noong balance statement wala silang babayaran sa mga ospital natin,” ani dating kongresman Espino, Sr.

Marubdob na kinontra itong ng batang Guico:

Hindi po! Ongoing ang improvement ng mga dialysis centers po natin. Iyong dialysis andami pong nagkakasakit most likely ng isang seat most likely isang tao lang ang nakikinabang hanggang dalawa kasi slot na iyon, nagaagawan po".


Sa mahigit dalawang taon ng bagong gobernador ay naipatayo na ng 50% ang Umingan Community Hospital, bumili pa ang Kapitolyo ng five-hectare property para sa isang government complex, mga bagong equipment, bumili ng two-hectare property para sa satellite facility para sa Eastern Pangasinan District, improvement ng mga ospital sa Bolinao, Dasol, Mangatarem, at Lingayen.

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan sa pamunuan ni Vice Governor Mark Ronald Lambino at nilagdaan ni Guico ang Pangasinan Unified Incentive for Medical Consultation kung saan bibigyan ng Kapitolyo ng pamasahe ang mga mahihirap na Pangasinense para lamang makapag pakonsulta para sa kanilang kalusugan sa mga ospital ng lalawigan.

“Parallel po itong programa natin sa PhilHealth E-Consulta. Magpa check up lang sila tapos meron po tayong local counterpart na assistance sa kanila. Kasi alam niyo po na andaming mga kababayan natin na takot na magpa-ospital, takot na magpa check up, primary reason wala po kasi pera. From the barrio we go to the RHU to to the provincial hospital at regional hospital –- wala kasing pamasahe. Pagdating kasi doon wala kasing pambili ng gamot, kasi wala kasing means na magpa-gamot,” paliwanag ng gobernador sa mga mamahayag sa Dagupan City.

Ani Guico itong programa ay mag “augment” sa target na dalawang milyong katao sa lalawigan magmula sa mga sanggol papuntang mga matatanda.

“Oo, kasi ang mangyayari diyan sa bawat individual for every member of the population ang ni enroll natin ni check up natin may bumabalik na binibigay sa provincial health board. Iyan ang mga usapan sa mga LGUs. This year is gonna be P1,700 by next year it’s gonna be P2,100 mga added programs na kailangan deserves sa ating mga constituents,” sagot niya sa tanong ng writer na ito noong Christmas tree lighting dito sa Kapitolyo noong Nobyembre 29.

Bukod sa dalawa na lang daw ang dialysis machine, inupakan din si Guico ng matandang Espino na mga sira na daw ang 14 ospital ng lalalwigan.

“Sirang sira ang labing apat na provincial hospital at mababaho at marumi din at nangangailangan ang mga pasyente sa hospital na iyan. Karamihan sa mga empleyado ay low moral”.

Pinabulaan naman ito ni Guico kung saan sinabi niya ang mga plano niya dito:

“Na improve po natin ang hospital. Nagkaroon lang po ng surge ng dengue kaya kinapos. But still that we try na we could fill up our pharmacy para magkaroon ng mga gamot doon ng sapat na mga doctors and matutuwa po kayo on how effective the collection system of the province may pondo po tayo e”.

Ang pondong sinasabi ng gobernador ay ang kuleksyon na mahigit kumulang na P250 million sa quarry operation ng mga negosyante ngayong taon. Noong huling taon ni Governor Pogi noong 2022, ang pangasiwaan ay kulelat na nakakulekta lamang ng P12 milyon.

“May mga resibo ang kuleksyon namin, ani Guico.

 Tanong ng writer na ito sa mga nagbabasa: Bakit kulang ba sa resibo ang mga pamahalaang Espino sa quarry kaya sobrang mababa ang kuleksyon nila?