CALASIAO
- Mahigit P35 million ang inabuso ni Mayor Joseph Arman Bauzon na kung saan ang
nasabing halaga ay napunta sana sa mga social services ng mga kapos sa buhay dito
matapos magpagawa ang alkalde ng ikalawang slaughter house.
“Sino pasasalamatan
dahil project namin, bakit hindi pinagamit?” tanong ni dating mayor Mark Roy
Macanlalay sa hindi pagamit ng naunang P20 million na abattoir na pinatayo niya.
Kalahati ng halaga nito ay counterpart fund pa
galing sa National Meat Inspection
Services (NMIS).
Ang
mahigit P35 million slaughter house ni Bauzon ay pera ng mga taxpayers dito.
Ani
Macanlalay kung ginamit ang Double A slaughter house na pinatayo niya noong
mayor siya ng 2016 to 2018 ay lalong guguapo siya sa paningin ng mga tao at
ayaw ito ng pamunuan ni Mayor Bauzon.
RIVAL - Calasiao, Pangasinan Mayor Joseph
Bauzon (left) and his mayoral rival former mayor Mark Macanlalay.
|
“P35
million may road improvement pa. Ang pinagbilhan pa ng lupa iyong municipal
agriculturist. Iyan ang tatanungin. Sino ba ang may ari ng lupa diyan?”
Si
Bauzon at Macanlalay ay magkatungali ngayong May 13 mayorship derby ng bourgeoning
town na ito.
Madiin
na kinontra ng dating alkalde ang desisyon ng Bauzon Administration na mag loan
ng mahigit P35 million sa panibagong slaughter house.
"Mabaho daw!” ani Macanlalay sa mga reporters sa kanyang P20 million abattoir na naka mothballed ngayon sa Pandayan Area ng Poblacion dito.
“Nag
design niyan napuntahan napasyalan. Hindi naman maaring hindi naman mabaho.
Tapos nalilinisan”.
Inilarawan
ni Macanlalay noong magkapalitan ng salita si Bauzon at isang opisyal ng
raiding team ng NMIS sa mga unregulated na mga karneng binebenta sa wet market dito.
“Ngayon, may isang taga NMIS ni raid sila iyong mga nagbebenta ng karne iyong tindahan. Sabing ganoon “Mayor bakit may slaughter house naman kayo diyan hindi naman ninyo ginagamit?” “Sir dahil mabaho” sabi ni mayor. “Mabaho? Huwag mong sasabihin na mabaho dahil nasa mayor iyan kung paano niya emi-maintain iyan”. “Sir, doon na lang tayo mag usap sa opisina ko”.
Nanlumo
si Macanlalay sa winaldas ni Bauzon sa mahigit na P35 million na proyekto na
dapat ay inilaan sa mga social services para maibsan ang kahirapan ng mga tao dito.
“Duplicity!” sigaw ng dating mayor.
Kinontra
naman ni former mayor Roy Macanlalay ang mga supporters ni Bauzon na nagsasabi
na lumipat ang abattoir sa Barangay Nagsaing dahil may petition ang 300 ka-tao sa nakakasulaok na amoy ng slaughter house sa
Pandayan.
“May public
consultation na noong pinoproposed iyang P20 million slaughter house bakit
walang umangal? Noong nakatayo na, biglang umangal na iyong 300?” diin niya.
Inayunan
ni dating town administrator Vivencio Vallo si Roy Macanlalay na walang
katotohanan iyong baho kahit hindi pa nag uumpisang tumakbo ang abattoir.
“Ang nag design at nag approved ng plano ng
slaughter house na yan ay ang NMIS. Hindi sila papayag na mag grant ng P10
million na hindi sinigurado na iyung ipapatayong slaughter house na hindi sinusunod
ang mga specification in accordance with their standard. Pera kasi nila iyon
kaya tutok sila hanggang sa matapos ang building na iyan. And I know that for a
fact. So to claim na mabaho iyan is bereft of reason. Well, I can understand
that somehow there is an ulterior motive behind this decision. It's very
unfortunate that they did not consider those who will pay for that loan, the
entire people of Calasiao”.
Kung
makasuhan ng Anti-Graft & Corrupt Practices si Mayor Bauzon dahil sa
grossly disadvantageous implementation ng kaban ng bayan, ani Vallo damay din
ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na bumoto sa pagpagawa ng P35 million na
slaughter house.
“I would consider the
entire SB to be accountable for this mess. Why they approved it, it's a 20-million-dollar
question!”
Isang source na ayaw magpakilala ay nagtanung: Pinagkitaan ba ang P35 million na iyan? "Bakit masyadong mahal e kinuha pa nila ang mga gamit doon sa unang slaughter house para gamitin diyan sa P35 million".
Ang vice mayorship candidate ni Macanlalay sa May poll ay si Ronald "Bobby" Sison.
READ MY OTHER ARTICLE:
ReplyDeleteUntalan Mon: Bka Ndi na mkkbalik yan bauzon
Chaning Tatum: Mark Machiavelli Ortigoza nitan antoy agawa taxpayers money sinayang da? bot pasabot sayang ...
Calasiao Pinab : kung sana inayos ni Macanlalay at plinanong mabuti ang pagpapatayo ng Slaughter house, ay di na tayo gagastos pa at naibigay na lang para sa mga social services.
Vivencio Vallo: Chaning Tatum saray Sangguniang Bayan inabuluyan day man loan piyano usaren Ed sakey ya gawaen ya Slaughter House anggano walay Balo balon kapanggawa ya slaughter house. Duga ya ya ginawa nen mayor tan saray Sangguniang Bayan? Agda kuwarta tan bayaran na totoo Ed Calasiao itan, amta ag nakaukulan so manpaalagey na balo to wala lay Balo Balo tan Grant na NMIS para Ed Baley na Calasiao so 10M ya ginastos lapud pikakasi nen Mayor Mark ed NMIS. PINIRDE DAY 15M Ed inyutang day pampagawa Ed balo kuno ya Slaughter house. WHERE IS THE WISDOM HERE. KABALEYAN MAKAULOY KAYO LAN MANSIMBANG NO DUGA RA KASI. IPANENGNENG YO YA ALIWAN MAKANEPEGAN YA MANBAYAR TAYO NA UTANG YA AG NAKAUKULAN NA BALEY. DATI AK YA KONSEHAL NA BALEY, SAY NANGKANONOTAN ITAN AGDA AMTA SO GAGAWEN DA. AG NAYARIN BALOT ITAN NEN SIKAMI SO WADTAN ED SANGGUNISN BAYAN.Tepetan yo Ray peles ya miyembro na SB manlapud vice mayor anggad Saray incumbent ya konsehales no DUGA KASI YAY GINAWA DA.
Delete or hide thi
Mark Machiavelli Ortigoza: Vivencio Vallo pag naka upo si mayor mark charge with Anti Graft those put the town in a grossly disadvantage position financially. Marami pa palang issues diyan sa corruption, interview ng mga taga media kanina mga Macanlalays
Chaning Tatum : Vivencio Vallo say tepeten tau sir akin pinerde day 35 million analiw iray dalin ed nagsaing para kuno panpaalegeyan day balon slaughterhouse anyari sir
Francheska Joie Calderon: Kung yong 35m dinagdag pang scholarship or para sa mga senior or para sa health edi sana lahat nakinabang sayang pinagpatayo nyan. Hays very wrong .
ReplyDeleteCalasiao Pinab : kung sana inayos ni Macanlalay at plinanong mabuti ang pagpapatayo ng Slaughter house, ay di na tayo gagastos pa at naibigay na lang para sa mga social services.
Calasiao Pinab: Dear Mr. Ortigoza, Kung di po ako nagkakamali mahigit 300 ang pumirma dyan para ipatig ang slaughter house sa may Pandayan dahil
Tabi ng day care center
Mabaho at di malinis
Kung sana ay pinagaralan munang mabuti ang pagtatayo ng naunang slaughter house ni MRM, mapapakinabangan ito ng husto. EH WALA PALPAK! John Dela Cruz Mark Melvin Fernandez Jerome Ltina Tin tin Tin Tin Ces Arlene Estrada.
Francheska Joie Calderon :alam niyo kung malinis ang pamamalakad diyan hndi yan babaho bakit sa mangaldan ang lalapit ng bahay don sa slaughter wala nmn silang reklamo. putak nalang kayo pag totoong account na gamit niyo. patawa.