SUAL, Pangasinan – "Huwag kayong kontrabida sa
mga mamamayan ng Sual".
Ito ang panawagan
ni Mayor Bing Arcinue sa mga mahilig kumuntra sa mga isinusulong nitong mga
proyekto at programang pangkaunlaran tulad ng ospital, international seaport,
at power plant.
Binabatikos ng mga
kontrabida sa first class town dito, kabilang na ang tinatawag na Save Sual
Movement, ang pagpapatayo ng primary hospital sa barangay Caoayan dahil ito raw
ay itinayo sa lupa na pagmamay-ari ng mga Arcinue.
Ang naturang
pagamutan ay itinayo sa pamamagitan ng pondo galing sa Department of Health na
nagbigay sa bayan ng Sual ng sampung milyong peso.
Nagkaroon ng
problema dahil ang pagtatayuan sana ng ospital ay sa gilid ng bukdok na hindi
aprubado ng DOH.
Dahil dito kaagad
nag-donate ang pamilya Arcinue ng humigit-kumulang sa 2,200 square meters para
lamang matuloy ang pagpapatayo ng naturang ospital.
Sinabi ng alkalde
na hindi tanga ang mga opisyal ng DOH na magpapatayo ng government hospital sa isang
pribadong lote.
“Sa katunayan
meron ng Deed of Donation pati na rin titulo ang loteng kinatatayuan ng ospital
at ito ay nakapangalan sa municipal government ng Sual,” sabi ni Mayor Arcinue.
Hinikayat ng alkalde
ang mga mga kontrabida sa progressive town na ito na magsagawa ng kahit
kaunting pananaliksik bago bumatikos sa kanyang pamahalaan at nang hindi sila
pagtawanan ng kanilang mga kababayan.
Umaasa si Mayor
Arcinue na matutuloy na sana ang pangalawang coal-fired power plant na balak
ipapatayo sa bayan na ito upang magkaroon ng sapat na pondo para tuluyan ng
mabuksan ang nasabing ospital.
Kinakailangan ang
malaking pondo bawat taon para sa sahod ng mga doctor, nurses, medical
technologists, utility workers, security guards at mga laboratory facilities, gamut
at iba pang miscellaneous expenses.
Nakatakdang
magbabayad ang operator ng pangalawang power plant sa bayan ng humigit-kumulang sa four hundred milyon
pesos bawat taon at dito kukunin ang pangtustos sa operation na naturang
ospital.
No comments:
Post a Comment