SUAL,
Pangasinan- Hinamon ni Mayor Roberto Arcinue ng debate ang mga kumukontra sa
mga isinusulong nitong programa at proyektong pangkaunlaran, tulad ng power
plant, international seaport, hospital, libreng abuno at patubig sa mga
magsasaka at marami pang iba.
“Kahit saan sabihin lang nila
kung saan kami mag-debate. Haharapin ko sila,” sabi ni Mayor Bing Arcinue.
TIRELESS - The tireless Sual, Pangasinan Mayor Roberto "Bing" Arcinue in one of his countless consultations with his constituents in the Western Pangasinan's town. Under the stewardship of Arcinue and his predecessor former Mayor John Arcinue, his son, Sual was catapulted to the No. 4 richest town in the Philippines. TEXT: MORTZ C. ORTIGOZA |
Ang
hamon ng debate ay ginawa matapos ikalat sa social media ng mga tinaguriang
kontrabida sa Sual na ayaw humarap sa isang public debate tungkol sa samot
saring issue ang alkalde.
Mariing
pinabulaanan ito ni Mayor Bing Arcinue, bagkos sinabi nito na ang mga
kontrabida sa Sual ang takot na takot na humarap sa debate dahil pawang kasinungalingan at
haka-haka lamang ang kanilang sinasabi. Katulad ng sinasabi ng mga kontrabida
na kinsenas at katapusan lamang pumapasok sa opisina ang mayor upang kunin daw
ang sueldo.
“Ito ay isang kasinungalingan
dahil halos araw araw ay pumapasok sa office namin si mayor. Kung minsan nga
nalilipasan na ng gutom si mayor dahil sa dami ng kinakausap at trabaho,” sagot ni Catherine
Bonzo, isang empleyada sa munisipio.
Sinasabi
pa ng mga kontrabida, kabilang na ang mga opisyales ng Save Sual Movement, na
marami ng nagkakasakit at namatay dahil sa pollution na dulot ng Sual
coal-fired power plant.
Hinamon
ni Mayor Arcinue ang mga kontrabida na magpalabas o magpakita ng katibayan na
nagdudulot ng pollution ang nasabing planta ng kuryente at kaagad nitong
ipapasara.
“Matagal ng sinasabi ng mga iyan (Save Sual
Movement) na nagdudulot ng pollution ang power plant pero hanggang ngayon wala
pa silang maipakitang ebidensiya,” sabi ng alkalde.
Idinagdag
ng alkalde na dalawang beses ng inanyayahan ng Sangguniang Bayan ang mga opisyal
ng Save Sual Movement upang magpaliwanag pero wala ni isa man lamang ang
nagpakita.
Sinabi
pa ng alkalde na wala ng naniniwala sa Save Sual Movement dahil halos 99
percent ng mga mamamayan ng Sual ay pabor sa power plant dahil nagbibigay ito
ng libu-libong trabaho at milyon-milyong real property taxes sa bayan ng Sual.
Ito ay madagdagan
kung maipatayo ang pangalawang power plant sa nasabing bayan na magbibigay ng
karagdagang libu-libong trabaho at humigit-kumulang sa four hundred milyon
pesos na real property tax bawat taon. Ang pangalawang power plant ay
nagkakahalaga ng humigit kumulang sa two bilyon US dollars.
No comments:
Post a Comment