By Paqs Basila
TUWING Pebrero, mainit na pansin ang paksang Pag-ibig.
TUWING Pebrero, mainit na pansin ang paksang Pag-ibig.
Ang tanong, ano nga ba ang Pag-ibig? Marahil ay kasagutan ay sala-salabat na tugon na ang lantad na laman ay pag-uunawa ng bawat tumutugon.
Sa masalimuot na mundo ngayon na pulos pangangalakal na kaakibat ang bawat kibot ay mahirap na tumbukin ang tugmang tugon kung ano nga ba ang Pag-ibig. Maliban pa, ang sali-saliwa na pagkilala sa Pag-ibig.
Teka, sa banal na mga tagubilin, Diyos ay Pag-ibig. Habang sa mga mangangalakal ay pagkakakitaan ang Pag-ibig. Sa mga nagmamahalan ang Pag-ibig ay matibay na buklod. Sa mga nauyam, nalihis o natuliro ay kabanata ang Pag-ibig ng maligaya o malupit na mundong ginagalawan.
Sandamakmak na katwiran, kwento at kaisipan ang patunay o dahilan ng Pag-ibig, ayon sa mga pangyayari o nangyayari at mangyayari.
Basta, sa mga silid na niig ang dalawang maalimpuyo ang pagnanasa para malahad sa kapareha ang init na dala ng pagkagusto ay bubuyangyang ang naiibang yugto – pag-ibig daw at kuno. SANA NGA!
Tala ng mga kwento ng mga karanasan, iba ang Pag-ibig na may Pagmamahal dahil may Paggalang na uusbong. Habang ang Pagnanasa na gusto ay mairaos kahit pa papapano ang init ng katawan ay walang katiyakan ang kahinatnan. SUSME, sabi nga!
Tara na, sa pintig ng Pag-ibig, may puso ka ba?
*********
*********
SPEAKING of Feb-ibig moments ay sangkaterbang ‘lovey-cozy’ places ang mapupuntahan. Depende po ang kasama na kasalo.
Basta, ibulalas ang diwa ng Pag-ibig na may paggalang at pagpapahalaga sa kapwa.
Kapag hanap ninyo ay privacy with security na place para sa expression of desires of love, sa NATARAKI Inn na ang punta, sa barangay Bued, Alaminos City. Tiyak Happy Kayo!
Kapag hanap ninyo ay privacy with security na place para sa expression of desires of love, sa NATARAKI Inn na ang punta, sa barangay Bued, Alaminos City. Tiyak Happy Kayo!
GREET with a Kiss. Mura na may katuturan pa sa minamahal na nagmamahal.
Sabi nga, palamuti lamang ang bulaklak na bigay, panandaliang tamis sa tsokolateng handog. Habang ang bulong ng puso na iwinawagayway ay pagmamahal ay tunay na aliw ang dulot sa minamahal.
Wait, going somewhere na may beach na at good resort pa sa pasilidades, stay at El Pescador, Bolinao. A truly right place to Relax and have best Fun.
Ano ang Tagalog ng House at Motel?
ReplyDeleteAno ang Tagalog ng House at Motel?
ReplyDeleteANSWER: Ang House is Tahanan. Ang Motel ay Tirahan (from the word tira o hit)