TRANSCRIPT OF TV INTERVIEW
With Sen. Alan Peter S. Cayetano
05 February 2015
Let us look at MILF now. When they take over and with the BBL, will they have good governance? Will they be committed to democracy? Yun bang mahihirap nilang kababayan, tutulungan nila?
Ang sagot ko ay hindi, dahil they are a terrorist group.
I thought nagbago sila, I thought they were going for peace. Pero tingnan niyo, noong panahon ni President Marcos at nabuo ang MNLF, nagkaroon ng Tripoli agreement. Ang ginawa ng MILF founder, nagbuo ng MILF. Later on, panahon ni President Ramos, nang kinausap ang MNLF, ang MILF humiwalay na naman. Nang ang ARMM binuo, binigyan sila ng maraming pondo, ang international community.
Ano ang ginawa ng MILF? Ang mga base nila, ang mga nakukuha nilang pera sa gobyerno, ginawa ang mga tunnel, pinambili ng mga armas.
Wala pa akong nakakausap na pulis at militar, and I am hoping, sa Monday magsabi sila ng totoo, ang sabi sa akin kasi, ang MNLF, MILF, at BIFF, ang leadership magkaiba. Pero sa ilalim, same clans, magkakamag-anak, iisang grupo din lang yan.
NO DIFFERENCE BETWEEN MILF AND BIFF
Kasi sa kultura nila, dalawa lang: kalaban ka o kakampi. So kapamilya ka, you will be protected, o kaaway ka.
All throughout history, ang MILF, iisa ang modus niyan. Every time may makuha yan, ceasefire, may makuhang pera, nagpapalakas nagpapadami ng armas, then negotiate for more. Of course, ang palagi nilang sinasabi they want self-determination at sila daw ay sinakop ng mga Pilipino.
look at the BBL, ang BBL, ang sabi may police force sila, ang chief executive nila will be the ex officio commissioner. We will appoint all of the police, provincial papuntang pababa. 8,000 members yun, kasi for every 500 residents, isa. And there are around four million people there. So, 8,000 people. So ngayon pa lang, wala pang police force, rebelde pa lang sila, kapag pumasok ka para kumuha ng terorista o sa droga – by the way pwedeng pumasok ang military ng walang coordination – kinuha sila, anong ginawa, pinagpapatay ang 44 na SAF.
Ngayon pa lang na nanliligaw sila. Sinasabi nila, “hindi bale na, i-surrender na namin ang aming mga baril.” Paano kung meron silang 8,000 na police force, tapos hindi tayo nag-coordinate dahil may terorista doon o kaya may mga drug lords doon?
THE BIGGEST PRIVATE ARMY IN THE COUNTRY
We will be creating the biggest private army this country has ever seen.
Kasi, ang BBL, tadtad ng coordination. Binuo nila na lahat sa kanila. May sarili talaga silang gobyerno. For example, gawaan ng shabu. Tapos papasukin ng NBI, natural, kung protektado ng pulis nila, hindi mo sasabihan ang pulis. Ang gagawin nila, hindi sila su-surrender. Babakbakan ka pabalik.
The same language kasi na ginagamit nila ngayon to justify ang pag-massacre ng 44 is all in the BBL.
Sa BBL kasi, puro coordinate. Eh sa BBL, gagawa lang ng kampo o may militar sa lugar nila, kailangan i-coordinate pa sa kanila. Where in the whole Philippines na ang military, kailangan mag-coordinate kung may kampo?
Sa Taguig, marami kaming kampo. Yung Southern Police, NCRPO, nasa amin din ang Marines. Anong coordination? They can come in and out, kampo nila ‘yun eh.
This is the Republic of the Philippines, pero sa BBL, may sarili silang mundo at sila ang hari.
So parang noong naglaban ang Iran at Iraq, parang Saddam Hussein.
Hindi ba kapag wala ka namang makikitang masama sa tao, dahil na-in love tayo sa peace, at dahil naniwala tayo, pati naman ako, pumirma din naman ako noong una kasi I wanted to believe that this group has turned on their old ways and wants peace. Hindi ba kapag in love ka sa isang tao, lahat ng barkada mo sinasabi, “pare, niloloko ka na niyan.Nakita ko nay an, may kasamang iba yan, niloloko ka niyan.” Ayaw mo pang maniwala. Ganoon ang nangyayari. Naloko tayo ng MILF.
PEACE HAS FOUR COMPONENTS
Unang una, siguro linawin natin. Sino ba ang may ayaw ng peace? Lahat tayo, isa lang ang pangarap, ang mga Pilipino, alagaan ang pamilya niya, peace and order, education, health. You cannot have that kapag may war or may insurgency. So we all want peace. The question is, will the BBL and the MILF, will our agreement with them, bring peace?
For me, apat kasi ang magbibigay ng peace.
Number one, kailangan mag-agree kayo, one Philippines, one Constitution. Sabi sa akin ng nanay ng isa sa SAF 44, “Sir, elementary pa lang ako, ang tinuturo na ay ang tatlong star, Luzon, Visayas, Mindanao. Ibibigay ba natin ang isang star? Dalawang star na lang?”
So you know, there is really an impression on the ground there na hindi ito mutual agreement na talagang autonomy. Kung hindi, talagang preparation na magse-secede sila. But I’ll go to that later. So first, one Philippines, one Constitution. So hindi pwedeng unconstitutional.
Number two, dapat it will lead to lasting peace. Hindi yung empower them tapos kapag mas powerful na sila, magse-secede, ikaw din ang lalabanan. Parang nag-alaga ka ng ahas, tutuklawin ka din.
Number three, dapat ang roots of the insurgency and rebellion, maa-address. In this case, tatlo ang roots: poverty, inequity, and discrimination sa mga kababayan nating Muslim.
And then lastly, of course, you have to address inclusive growth. Klaro ‘yun. Saan manggagaling ‘yun? Ang Lanao del Sur, 68.9% ang poverty incidence. ###
No comments:
Post a Comment