Sunday, February 8, 2015

Peryahan Kakasuhan ang PNP, NBI sa Illegal Raids, Arrest


OK na ang Board Resolution to File a Case

 MANILA – Ang pamuno-an ng GlobalTech Online Corporation (GlobalTech) , ang licensee ng Philippine Charity Sweepstake Office’s Peryahan Games (PG), ay nagpasa kamakailan ng board resolution para kasuhan ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation
.

Ayon kay Ed Aguilar, spokesman ng GlobalTech, ang resolution sa pag file ng criminal at administrative cases laban sa mga law enforcers na ito ay dahil sa arbitrary arrest, unlawful detention, incriminating innocent persons, at iba pa sa mga bet collectors ng PR sa bayan ng Binmaley at Laoac lahat sa Pangasinan.
Ang mga mobile collectors ng PG ay kinasuhan ng Presidential Decree 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling) in relation to Republic Act 9287 (Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games)  ng mga kagawad ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) na naka base sa Police Regional Office sa San Fernando City, La Union at ng NBI-Manila dahil nagpapataya daw sila sa illegal number game na jueteng.
 “Lahat sila kakasuhan dahil may board resolution na po kami and certification ng (board) secretary (GlobaTech) para mag demanda,” ani Aguilar.
Noong isang linggo ang PR mobile collectors sa Binmaley ay hinuli ng mga miyembro ng RPSB.
Gaya sa siyam na tauhan namin sa Laoac (Pangasinan), ni dismiss din ng fiscal ang kasong ni file ng pulis sa collectors namin sa Binmaley,” ani Aguilar.
Ayon kay Aguilar ang hinuli sa Binmaley ay sina Condrado Caronogan, Amelia Villanueva, Ma. Teresa Soriano, Lilia Rosario, Rogel Soriano at iba pa.
Ang mga ito ay completo sa identification cards at mga paraphernalia na approved ng PCSO.
Ang mga hanay ng PNP na kakasuhan ay sina Police Inspector Gerardo Macaraeg,Jr., SPO1 Marlon Carbonell, PO1 Marcleen, Estrada, PO1 Nelson Loakan, PO1 Romnick Viernes, PO1 Ronie Oligario, PO1 Jethro Diamsay, PO1 Ruben Orine, PO1 Aurelio Belen, and PO2 Mark Lemuel dela Pena
Ang mga ahente ng NBI sa Laoac raid na sasampahan ng asunto ay sina Special Agent Allan Tubi, Special Investigator (SI) IV Jose Rommel Ramirez, SI III Nelson Moreno, SI III Edgardo Kawada, SI III Ferdinand Manuel, AGT II Joseph Eufemio Martinez.
“Itong board resolution na pag file ng kaso ay maging aral sa harassment ng NBI at PNP sa Peryahan Games”.
Sa decision ng Fiscal sa pag dismissed sa mga trumped up charges ng NBI, ito ang resolution ni Urdaneta City, Pangasinan’s Provincial Prosecutor Abraham L. Ramos II:
There appears no concrete evidence that tends to show that the above named respondents conspired with Larry Alvarado, Robert Garon, and Rowel Cunanan when the three collected bets from alias Jay the poseour designated by the NBI Manila during the entrapment operation. It is a hornbook doctrine that “conspiracy must be proved as indubitably as the crime itself through clear and convincing evidence and not merely by conjecture”.
Bago ma dismissed ang ikinaso ng siyam sa bet collectors sa Laoac, sila ay kinulong sa Maynila ng NBI ng anim na araw habang inaantay nila ang resolution ni Prosecutor Ramos ng motion for preliminary investigation  nila na ni file ng abugado ng PR para sa kanila.
“Why would they arrest our agents they do not possess papelitos or lastillas (strip papers)?" tanong ni Aguilar sa mga media men.
Ang PR ay isang legal na laro na binigyan ng kapangyarihan ng Republic Act No. 1169, as amended, na kilala na PCSO Charter.

 “..all duly –authorized PCSO/Global Tech Peryahan Games/retailers/agents, similar to all other selling Lotto, Sweepstakes, Lotto Express (Keno), STL and all PCSO products, are exempted  securing barangay and/or mayor’s /business permit and payment of the pertinent license fees to Local Government Units, pursuant to Section 4 of Republic Act No. 1169, as amended, otherwise known as PCSO Charter and Supreme Court Resolution dated 6 July 1998 (G.R. 133769) affirming all other decisions of the Court of Appeals related to the said issuance of local permits,” ani PCSO’s Acting Chairman Jose Ferdinand M. Rojas III noong nilag-daan niya ang certification ng GlobalTech para umpisahan na ang operasyon ng PG noong isang taon.
"Huwag na nilang i-harass ang mga bet collectors namin. Isipin nila pag kinasuhan namin sila sa Ombudsman -Manila mga monetorial benefits nila, pensions, at iba pa ay malalagay sa alanganin. Abala pa silang a-atend ng (court) hearing sa Pangasinan," babala ni Aguilar.
Ang Peryahan Games na Hulog Holen na nilalaro na parang jueteng at Meridian Jai Alai ay naging banta sa mga gambling lords sa ibat-ibang parte ng Pililipinas dahil sa transparent mechanism ng PR at PCSO.
“Nakikita ng mga ta-o kung saan  binobola ang Hulog Holen. May (white) drawing board kami na naka-display for the public to see kung saan nakasulat ang panalo sa bola ng 11 Am, 4Pm, at 9 Pm kada araw”.
Ang P1 sa Hulog Holen ay mananalo ng P800 ayon sa Implementing Rules ng Peryahan Games.
Ang Peryahan ay nilalaro na sa 13 provinces ng bansa.
Ang mga bayan ng Laoac, Binmaley, San Jacinto, Mapandan, Malasiqui at iba pang mga bayan sa  Pangasinan ay nagbukas na sa PR pagkatapos hindi na ni-renew ng mga mayors dito ang business permit ng Meridian Jai-Alai na naka base sa Cagayan Province.
“I had a hard time to decide. I have to consult with my lawyers first and they have to carefully study the laws that govern Peryahan. They found it to be legal,” ani Binmaley Sam Rosario Mayor.
Sabi ni Rosario na mas maraming benipesyo ang makukuha ng bet collectors at personnel ng PR kumpara sa Meridian. (AA)

No comments:

Post a Comment